Wednesday, May 18, 2016

EXPERIENCE is WORTHLESS until you LEARN from it. The Final Part.

". . .Minsan kahit sobrang mahal natin ang isang tao, kahit sa tingin natin ay hindi natin kayang mabuhay ng wala sila sa piling natin 
kinakailangan nating maging matatag at maging malakas na tanggapin ang katotohanan na kailangan natin silang pakawalan. Hindi dahil gusto 
natin kundi dahil ito ang tama. . . "




Noong sumapit ang Linggo (May 8, 2016), ay hindi ko na natiis ang sakit kaya tinawagan ko na sya para ayusin ang lahat. Sabi nya, nalilito pa rin daw sya pero ayaw nya akong pakawalan. Kaya naman kinuha ko na ang pagkakataong iyon para ayusin ang lahat at muli hindi ako nabigo. Nakipag ayos sya sa akin at pumayag syang ipagpatuloy ulit ang aming relasyon.

Nagsimula ang buong Linggo namin ng maayos, balik sa dating kinagawian, text text, chat chat sa fb pero sa pagkakataong ito ay tila baga ibang tao na ang kausap ko. Hindi na sya yung Jona na nakilala ko na mahal na mahal ko. Sa tuwing kausap ko sya ay para akong nakikipagusap sa isang taong hindi ko kilala. Wala na ang lambing sa mga text nya, at hindi na rin nya ginagamit ang endearment namin at mas lalo akong nasaktan ng hindi na rin nya binabangit ang mga katanggang "I love you". Napaka typical at normal ng aura nya na parang hindi kami close pero hinayaan ko na lang kasi naisip ko baka nag aadjust pa sya. Lumipas ang buong linggo at walang nagbago sa kanya.

Hindi naman sya dating ganun, dati rati kapag nag-aaway kami ay ilang oras lang nagiging sweet na ulit kami sa isat isa pero sa puntong iyon ay tila parang napakalayo na namin sa isat isa. Sumapit ulit ang araw ng linngo, May 15, 2016. Sobra na akong nasasaktan sa behavior niya kaya tinanong ko na sya kung ano ang problema, napapansin ko kasi na, hindi na sya tulad ng dati.

Rodel: Mahal, may problema ba? napapansin ko kasi nagbago ka na, Ginagawa mo na lang iyong mga bagay na ginagawa mo dati dahil sa katotohanan na bf mo ako at hindi na dahil mahal mo ako in the first place. may problema ba?
Jona: Napapansin ko rin yan sa sarili ko.
Rodel: Mahal mo pa ba ako?
Jona: Oo pero hindi na tulad ng dati,

Sa totoo lang, parang gusto ko na mamatay ng mga oras na iyon sobrang sakit, ang sakit na parang ayoko ng huminga. iyong parang gusto ko matulog ng matagal na matagal para hindi ko maramdaman ang mga bagay na iyon pero wala ako magagawa kailangan kong harapin ang pagsubok na ito.

Tinawagan ko sya at nag-usap kami ng masinsinan. Inulit ko ang tanong ko kung mahal pa ba nya ako at iyon din ang naging tugon nya. Tinanong ko sya kung mayoroon na bang ibang nagpapasaya sa kanya pero itinanggi nya ito. Tinanong ko sya kung ano pa ang pwede kong gawin para maayos pero hindi na daw nya alam dahil hindi na daw katulad ng dati ang pagmamahal nya. Dahil parang napakalabo ng maayos pa ang relasyon namin ay tinanong ko sya.

Rodel: Gusto mo na bang tapusin to?
Jona: Yun ba ang gusto mo?
Rodel: Hindi, hindi yun ang gusto ko pero hindi pwedeng gusto ko lang. Kailangan gusto nating dalawa. Gusto mo na bang tapusin to?
Joan: Sorry.
Rodel Say it.
Jona: Oo. -tugon nya na parang bumubulong.

Sobrang nasasaktan ako pero kailangan kong magpaka plastic para ipakita na ok lang ang lahat. Nagsosorry sya at tinanggap ko naman ang sorry nya. Sinabi ko na hindi naman nya kasalanan na mawala ang pagmamahal nya. Siguro nga kasalanan ko din kasi, palagi kong pinoprovoke na maghiwalay kami pero iyon ay isang uri lang ng defense mechanism ko.

Noong tila wala na talaga kami ay tinanong ko sya at nakiusap akong maging honest sya kahit sa huling pagkakataon.

Rodel: Meron na bang iba?
Jona: Meron.
Rodel: Sino?
Jona: Officemate.
Rodel: Kailan pa nagsimula ito?
Jona: Simula noong magaway tayo.

Nakakapanlumo na malamang habang hindi kami ok ay kumekerengkeng pala sya halip na ayusin ang away namin.Napagtanto ko na mukang wala na talaga, tapos na, biglang nag flashback lahat ng masasaya naming pinagsamahan dalawa habang kausap ko sya at ilang sandali pa ay nagpaalam na ako dahil hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Gusto ko ng umiyak.

Umiyak ako ng todo dahil mahal na mahal ko pa sya. Ayoko syang mawala pero sya handa na syang mawala ako. Hindi ko matanggap na ang halos siyam na buwan ay matatapos na lang ng ganun ganun na lang.

Bawat hinanakit ko ibinubulong ko sa hangin. Bakit ganun? Pinatawad ko sya ng ilang ulit bakit ngayon hindi na nga nya ako pinatawad ipinagpalit pa ako. Napaka unfair, basta basta na lang nya bibitawan ang lahat. Habang patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko na halos hindi na ako makahinga. Litong lito ako, hindi ko alam ang gagawin ko at nasasaktan ako lalo na kapag naiisip ko na bukas paggising ko wala na ang taong sasabihan ko ng "Gising na po ako. I Love You". Wala na ang taong bumubuo ng bawat araw ko, ang taong nagsisilbing inspirasyon ko araw araw at nagbibigay ng kulay sa buhay ko.

Nang kumalma ang pakiramdam ko tumawag ako sa kaibigan kong si Mau para kahit pano ay makahingi ng payo at matapos kaming magusap ay humiga na ako para matulog nakatulong ang pagiyak ko dahil kahit paano ay napagod ako kaya mabilis na akong nakatulog.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, at nang bumalik na ang ang lahat ay naramdaman ko na naman ang lahat ng sakit. Gustong gusto kong umiyak pero hindi pwede, ayoko makita ng family ko na umiiyak ako kaya naman humanap ako ulit ng taong makakatulong sa akin - si Gizelle, tinwagan ko sya at pinalakas nya ang loob ko at dahil doon ay nagkaroon ako ng kaunting lakas para bumangon ulit kaya nagasikaso na ako para pumasok sa trabaho at simulan ang panibagong laban para sa sarili ko. Oo sa pagkakataong ito ay para sa sarili ko na lang, para sa sarili ko naman.

May 16, 2016
Maaga akong nakarating sa opisina at halos ako palang ang tao doon at bigla kong naalala lahat ng masasaya naming alaala at kinailangan kong magdaling pumunta sa CR upang maitago ang pagpatak ng luha ko at doon halos sampong minuto akong umiyak at dahil pakiramdam ko ang sikip sikip na ng utak ko, ang dami kong gustong alisin sa utak ko pero hindi ko magawa. Sa puntong iyon ay naalala ko ang kwento ko noong 2010 kung saan nabigo din ako sa pag-ibig at ang naging paraan ko para alisin sa utak ko ay ang pagsulat nito. Kaya nang araw ding iyon ay inumpisahan kong isulat ang lahat ng gusto kong sabihin, lahat ng gusto kong alisin sa puso ko, lahat ng hinanakit ko, lahat ng galit (pero wala na ngayon), lahat ng sakit, lahat lahat at ngayon nga ay malapit ng matapos ang kwento ko. Sa ngayon, oo, hindi pa ako okay, at sa tingin ko ay malayo pa ang lalakbayin ko para maging okay ako ulit. Matagal tagal pa rin  siguro bago ako maka fully recover ulit. Kung gaano katagal ay hindi ko alam, ang mahalaga ngayon sa akin ay nailabas ko sa puso ko ang mga nagpapabigat dito para sa ganun ay tuloy tuloy na akong makalimot sa mga nangyari at tuluyan na ding maghilom ang mga sugat pagdating ng tamang panahon.

Jona, alam mo kung gaano kita kamahal. Alam mo kung gaano ko kayang magtiis, magsakripisyo, masaktan, maghintay at magparaya para sayo. Alam na alam mo rin na kayang kaya kong gawin ang lahat para sayo kahit ang mga bagay na parang imposible. Ganun kita kamahal e, ganun ako kaseryoso sayo. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi na kita mahal dahil ang totoo mahal pa rin kita pero huwag kang mag-alala, pipilitin kong makalimutan ka, pipilitin kong bumangon ulit maging malakas ulit katulad noong una mo akong makilala. Hindi ko makakalimutan na minsan sa buhay ko, dumaan ang isang katulad mo na nagbago ng pananaw ko buhay. Dalangin ko na sana maging maayos kayo ni officemate (uyy. . hehe). Napaka swerte nya to have you. Good luck sa inyong dalawa. Thank you and Goodbye.

Sabi nga nila, hindi naman pag-ibig ang masakit. Rejection, betrayal, expectations yan ang masakit. Ang totoo pag-ibig ang pinaka masarap na pakiramdam na pwede nating maramdaman.

Sa tingin ko, ginawa ko naman ang lahat, binigay ko ang lahat kaya kahit paano e wala na ring regrets. Siguro nga kulang lang talaga, may mga bagay na hindi nya makita sa akin na sa iba nya nakikita, Sa tatlong taong minahal ko, iisa lang ang common denominator nila, lahat sila iniwan ako. Lahat sila nawala ang pagmamahal sa akin sa bandang huli at isa pang hindi ko matanggap ay pare-parehong pagmamahal ang
ibinibigay ko, equal na effort ang ginagawa ko. Yung tipong parang hindi ako natututo sa mga karanasan ko dahil parehong sakit pa rin ang nararamdaman ko ngayon.

Totoo nga ang kasabihan na "INSANITY is doing the same things over and over again and yet expecting a different result". Akala ko kasi kapag ginawa ko ang lahat, binigay ko ang lahat, minahal ko ng sobra pa sa sarili ko e sapat na iyon para manatili sila. Hindi pala, mali pala, dapat pala mahal mo rin ang sarili mo dahil maibibigay mo lang ang totoong pagmamahal kapag kaya mong mahalin ang sarili mo. Sabi nga, hindi mo pwedeng ibigay ang bagay na wala ka. Kay Kristine at Claire, hindi ko narealize ang mga bagay na ito kaya ginawa ko rin ito kay Jona, pero sa pagkakataong ito, siguro panahon naman na para, ma-apply ko sa sarili ko ang bawat salitang binibitawan ko.

Pero bago ang lahat, gusto ko magpasalamat sa mga taong patuloy na tumutulong sa recovery process ko. sa mga totoong kaibigan ko na palaging nariyan sa tuwing kailangan ko sila. Kay Gizelle na hindi nagsasawang makinig sa mga paulit ulit kong karanasan. Kay Mau, na labis ding nakakaunawa sa akin. Maraming maraming salamat sa inyo. Eto na naman ako, luhaan, sugatan at di mapakinabangan, hindi kasi ako nakinig e.

Sa lahat ng makakabasa nito, salamat at naway matuto kayo sa karanasan ko.

and again this is Rodel Mandia, finally putting an end to this story.


2 comments:

  1. Grabe koya. naiyak ako. parang ramdam na ramdam ko yung feeling. Ang sakit. :( sana ok ka na koya. :(

    ReplyDelete

Thanks for your comment. I'll be glad answering you soon. ;)