Sabi nila, kung hindi daw mawala sa isip mo ang mga nangyari sayo bunga ng isang mapait na karanasan, isulat mo daw ito. Isulat mo lahat ng nasa utak mo, lahat ng hinanakit, galit, bitterness, kahit yung mga masasaya nyong oras na magkasama. Sa pamamagitan daw nito maililipat mo sa papel ang mga bagay na hindi mo mailabas sa puso mo.
Sa totoo lang, napatunayan ko na iyan, limang taon na ang nakakaraan pero sa pagkakataong ito, hayaan nyong muli ay isulat ko ang lahat ng gusto kong mawala sa isip ko at sa puso ko bunga ng isa na namang karanasan.
Upang mapangalagaan ang mga totoong taong involve ay sinadya kong palitan ang kanilang totoong pagkakakilanlan.
Taong 2013 noong nakilala ko si Kristine sa social media, isa syang "college" student sa Polytechnic University of the Philippines. Maganda, mabait at very friendly. Pero ang kwentong ito ay hindi tungkol sa kanya. nais ko lang bigyan ng emphasis ang mga pangyayari bago ang totoong kwento.
Halos isang taon din kaming magkakilala ni Kristine bago naging kami, pero sa kasamaang palad noong sinagot na nya ako taong 2014 (May 8), tumagal lang ng halos dalawang buwan ang aming relasyon. Siguro dahil bata pa sya at mapride din. Kung anoman ang nangyari sa amin ay tuluyan ko ng nakalimutan at kahit hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ko pa ring inuunawa kung bakit ko sinayang ang oras ko sa kanya. Oo, mapait at hindi naging maganda ang aming samahan.
Learnings ko sa kanya? Matutong mahalin ang sarili, dahil sa kabila ng lahat, walang ibang magmamahal sayo kundi ang sarili mo din kaya kung hindi mo mamahalin ang sarili mo sa bandang huli ikaw ang talo.
Makalipas ang limang (5) buwan -November 2014, nakilala ko si Claire, although matagal na kaming friends sa FB. Naging friend kami sa Facebook kasi, pareho kaming mahilig sa pagtatanggol sa Pananampalataya. Sa mga blogs at facebook, makikita mo kaming sumasagot sa mga tanong sa pananampalataya, Hindi mahirap mahalin si Claire kasi, taong simbahan sya, yung tipong parang nakikita mo na yung forever sa kanya kasi somehow, malapit sya kay God pero totoo yatang kapag hindi ukol ay hindi bubukol, bukod sa pagiging church goer and church volunteer, isa ring studyante si Claire, at panganay sa kanilang magkakapatid, kaya naiintindihan ko na medyo yung attention, focus at priority nya ay hindi ako. Ganun pa man, tumagal kami ng apat (4) na buwan. Noong mga huling linggo ng relasyon namin naramdaman ko yung panlalamig nya, although naniniwala ako na wala syang iba, hindi pa lang talaga siguro tamang panahon.
Naging maayos ang paghihiwalay naming dalawa as in. May consent ng isat isa ang aming paghihiwalay at higit sa lahat nanatili kaming magkaibigan noong matapos na ang aking pagmomove on. Kung mababasa nya to, gusto ko lang malaman nya na nagpapasalamat ako sa kanya dahil tinuruan nya akong maging malakas para tanggapin ang mga bagay na hindi pwede.
Nanatili akong "Single" ulit at sinubukang buuin ulit ang sarili ko. Sinubukan kong pulutin ulit ang bawat basag na piraso.
Noong mga panahon na iyon ay panahon din kung kailan ako lumipat ng trabaho mula sa pinagtatrabahuhan kong kumpanya patungo sa competitor nito. Nakatulong ang paglipat ko dahil kahit paano ay nadivert ang attention ko sa pagaaral ng bagong teknolohiya sa bago kong trabaho.
Hindi nagtagal naging maayos na ako ulit, sumali ako sa isang dance group sa bago kong kumpanya kaya naman mas lalong naging madali sa akin ang pagmomove on.
Makalipas ang limang (5) buwan (very relevant ang 5 sa akin, dahil limang buwan din ang ginugol ko sa pagmomove on kay Kristine) nakilala ko naman ang taong magiging laman ng kwentong ito.
Sya si Jona, nakilala ko sya muli sa social media, at sa maniwala kayo at sa hindi napakalayo namin sa isat isa, taga Mandaluyong ako samantalang taga Laoag City Ilocos Norte naman sya at kung bakit at paano nagsimula ang lahat ay hindi ko rin alam.
Isang malaking palaisipan din sa akin kung paano nga ba na ang puso ko ay muling buksan sa isang taong ni hindi ko kailanman nakausap ng personal.
Katulad ng karaniwang nangyayari sa ating lipunan, nagsimula ang lahat sa pinaka mahiwagang salita sa balat ng internet - C-H-A-T. Lahat ng tao alam na alam iyan.
Simula pa lang, alam namin pareho na hindi kami "friends" sa FB dahil wala lang, hindi man mabigkas na aming mga labi pero mutually alam naming may mas malalim na dahilan kung bakit kami magkakakilala online.
Just to give a little background si Jona ay graduate ng BS Information Technology mula sa Divine World College of Laoag. Dalamput dalawang taong gulang, at ang tangkad nya, 5'8 sya morena at mahaba ang buhok. Kung maganda? Oo maganda sya, at least para sa akin. katamtaman ang pangngatawan at may mabuting kalooban.
Noong nagkakilala kami, e kasalukuyan din pala syang nagmomove on. so parang pinagtagpo kami ng tadhana para tulungan ang isat isa na tuluyan ng kalimutan ang nakaraan at magsimula ng bagong kabanata ng buhay. At simula nga noon ay naging madalas na ang aming paguusap online, txt tawag. Hindi naman sya mahirap gustuhin, mabait sya at kahit pano e consistent sya at hindi nga nagtagal ay itinas namin sa next level ang aming relasyon.
August 26, 2015
Ito ang araw na pinaka hihintay ko, naging kami ni Jona. Noong una. alam kong hindi pa ako sigurado, unang una kasi, never kaming nagkita, ni hindi ko alam ang background nya, pangalawa ang layo nya, pano naman ako makakasigurado na ako lang talaga ang boyfriend neto? Ganun pa man, I took the challenge and gave myself wholeheartedly.
Sa umpisa totoo namang masaya ang isang relasyon, para kang bumalik sa pagkabata, yung feeling na you are being loved basta ganun, parang butterfly in my stomach mga ganun eksena.
Isang beses nagpost sya sa instagram nya ng poster ng Concert ni Sarah Geronimo ang From the top Concert sa Araneta Coliseum December 5, 2015.
Nalaman ko na super fan pala sya ni Sarah pero bago ang concert ay nagdaos muna sya ng kanyang kaarawan noong November 18 2015 kaya bilang isang mabuting nobyo, I bought 2 tickets for Sarah Geronimo concert bilang regalo sa kanya. Nakita ko na naging masaya naman sya kaya natuwa ako kasi na appreciate nya yung binigay ko.
Nalaman ko na super fan pala sya ni Sarah pero bago ang concert ay nagdaos muna sya ng kanyang kaarawan noong November 18 2015 kaya bilang isang mabuting nobyo, I bought 2 tickets for Sarah Geronimo concert bilang regalo sa kanya. Nakita ko na naging masaya naman sya kaya natuwa ako kasi na appreciate nya yung binigay ko.
December 4, 2015
Itinakda ang unang beses naming pagkikita. Napakalayo ng byahe nya papuntang Manila from Laoag lulan ng Farinas Bus. Umaga na ng December 4 sya nakarating ng Manila kung saan sinundo ko sya sa Farinas Bus Station. Sa una naming pagkikita, sa totoo lang sabi ko sa sarili ko, gusto ko sya makilala pa ng lubusan, physically hindi ako attracted sa kanya, I made everything as normal as possible, kung ano ako sa text at chat, ay ipinakita ko rin ito sa kanya. Hindi kami masyado naka gala noon kasi may trabaho ako kaya paguwi namin sa bahay, natulog lang sya maghapon habang nagtatrabaho ako. Kinagabihan dinala ko sya pinaka common na lugar sa Manila - "SM Mall of Asia" subalit dahil maraming tao, kumain na lang kami sa Seafood Island, naglakad lakad sa may shore at nagkwentuhan at bandang 11PM umuwi na rin kami.
Kinabukasan, late na kami nagising kaya wala na rin kami napuntahan kaya hinintay na lang namin na gumabi para manood ng concert. Nagbyahe kami mula Mandaluyong papuntang Cubao through MRT medyo atrasado na nga kami sa oras e kasi ang daming tao pero nakaabot naman kami sa kabutihang palad.
Nakita ko kung gaano sya ka fan ni Sarah habang nasa concert kami at bawat kanta ni Sarah e alam nya. Nakakatuwa pagmasdan, para syang batang binigyan ng maraming candy. Amaze na amaze sya mga dance move ni Sarah na I think G Force ang gumawa. hehe. Galing na galing sya kay Sarah, panay ang kuha nya ng video, at pictures.
Tinapos namin ang concert from the top to bottom na umabot ng hanggang ika labing isa ng gabi. Matapos ang concert kumain kami sa Banchetto sa labas ng Araneta sa tabi ng GIANT Christmas Tree at umuwi na kami pagkatapos. Kinabukasan, wala na rin kami napuntahan dahil limitado na ang oras kailangan na nya umuwi ng Laoag para sa trabaho nya kinabukasan.


Grabe 🙂🙂🙂
ReplyDeleteThank You for dropping at my diary. Hope you had a great time. See you around. :)
Delete#InMyEx
-R
Grabe diba? sobra. sana masaya si Jona sa ginawa nya at sa gagawin pa nya. jokeeeeeee!!!!!! Peace po. baka mabasa nya to. lelz.
Delete_drey
Paging Koya Jhap. :P
DeleteHello All,
ReplyDeletePlease refrain from attacking anyone here. Lets discuss anything in a very candid yet professional and nice manner. I wont tolerate mockery in my blog. As i said, I don't have bad blood with the people involved much more with people who got affected by this story. Thank you.
#InMyEx
-R