". . . Minsan kung sino pa yung tapat magmahal sila pa yung kadalasang iniiwan, sinasaktan at niloloko. Hindi kasi sila marunong gumanti sa halip umuunawa sila. . . ."
After ng Baguio ay wala kaming naging lakad ni Jona sa halip ay nakuntento na lang kami sa araw araw na pag-uusap namin sa text at sa Facebook. Ganunpaman naging masaya din naman.
Pero totoo nga yata iyong kasabihang "when it rains it pours" isang araw habang ako ay nasa trabaho at katulad ng araw araw naming kinagawian ay buong araw kaming magkausap subalit pagsapit ng hapon habang ako ay pauwi may istrangherong nag padala ng mensahe sa akin sa Instagram.
Istranghero: Hi,. ask ko lang kung ano ka ni Jona?
Rodel: Tanungin mo na lang sya pre.
Istranghero: Girlfriend ko kasi sya kaso nakita ko yung post nya sa IG na may something about love tapos nakatag ka kaya tinatanong kita.
Hindi ko na sya nireplyan kasi ayokong paniwalaan ang mga sinasabi nya sa halip inopen ko ang facebook ko para imessage si Jona. Pagopen ko ng facebook, may mensahe si Jona.
Jona: Mahalko, kapag may nag message sayo huwag ka maniniwala.
Rodel: ah ganun ba? ok po.
Jona: Magdedeactivate muna ako ng fb mahal. Dami kasi nanloloko ngayon.
Rodel: May nagmessage sa akin sa instagram, pero hindi ako naniniwala sa kanya mahal.
Jona: Ano sabi?
Rodel: Check mo na lang sa IG ko.
At hiniram nya ang account ko sa instagram.
Jona: Binlock ko na sya sa instagram natin mahal dalawa pa ginawang account ng lokong yun.
Rodel: hehehe, ganun ba mahal, ok lang yan hayaan mo na.
Kahit nalilito ako sa mga nangyayari ay inuunawa ko na lang ang mga pangyayari medyo famous kasi sya sa IG kaya hindi malayong mangyari iyon kaya kinalimutan ko na lang ang lahat at nagdeactivate nga sya ng Facebook ng may ilang araw at sa text na lang kami nag-usap.
Tuluyan ko na sanang kakalimutan ang lahat ng biglang nagmessage ulit sa akin ang istranghero pero sa pagkakataong ito ay sa facebook naman kaya nagtaka ako kung paano nya nalaman ang pangalan ko pero hindi ko sya nireplayan, sa halip ay sinubukan ko na hiramin ang account ni Jona sa facebook. Ang purpose ko ay para subukin kong magiging transparent sya sa akin at hindi ako nabigo ibinigay nya ito ng walang pagiimbot kaya naantig ako at hinayaan ko na lang. Hindi ko rin inopen ang Facebook nya, sapat na iyong malaman kong handa syang ibigay iyon.
Ilang araw na ang nakakaraan pero palagi pa rin sumasagi sa isip ko ang mga nangyari kaya naman isang gabi na curious ako at binuksan ko na ang facebook nya. Wala naman ako nakita doon sa mga messages kaya I think wala naman syang itinatago. Chi-nek ko ang block list nya at hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko andun yung istranghero sa Facebook kaya narealize ko na may ugnayan silang dalawa before at ano man iyon ay hindi ko alam.
Alam kong naka-linked ang Instagram nya sa Facebook nya kaya binuksan ko na rin iyon sa pamamagitan ng facebook nya at doon ko nalaman ang isa pang lalaking may kaugnayan sa kanya na taga Bacolod si Ronniel. Tagalog ang usapan nila kaya naiintindihan ko ang flow ng usapan nila.
Habang binabasa ko ang kanilang conversation ay para akong sinasampal ng paulit-ulit. Lahat pala halos ng mga efforts nya before na iniisip ko ay para sa akin ay hindi pala talaga para sa akin kundi para sa lalaking ito. Smart user kasi ako samantalang Globe naman sya. Bumili sya ng smart sim par daw mas makapagusap kami ng matagal pero yun pala ay dahil smart user din si Ronniel. At naalala ko one time sinabi nya sa akin na bumili sya ng spongebob shorts kasi nagandahan daw sya, e yun pala e dahil para pareho sila ni Ronniel na tinatawag nyang Baby - parang "couple's shorts" ang sweet diba? Sa pagbabasa ko ng usapan nila ay nakita ko doon ang mga palitan nila ng mga flirting words, even dirty pictures nilang dalawa ay nagpapalitan sila.
Naitanong ko tuloy sa sarili ko: Ganun ba syang klase ng tao?
Nang mga oras na iyon ay handa na akong iwan sya nagtext ako ng nobela text sa kanya na naglalaman ng mga last words ko at nagpaalam na rin ako. Gabi na iyon noong magtext ako kaya umaga na nya ito nabasa. Agad nya akong tinawagan ng mabasa nya ito. Humingi sya ng sorry habang umiiyak at nakiusap na ayusin namin ang lahat. Sinabi rin nya na kung kailangan ko ng time e maghihintay sya. Ayaw daw nya kasi akong mawala. Iba daw kasi ako sa lahat.
Naantig ako sa sinabi nya kaya muli kong pinaniwalaan ito, Sumugal ako at nakipag ayos ulit sa araw ding iyon lalo na noong sinabi nyang kaya daw nyang magpakamatay. Doon ko napagtanto na hindi ko pa lubusang kilala si Jona kaya naisip ko na may bagay pa akong kailangan malaman tungkol sa kanya kumbaga hindi pa ako "mission accomplished" kaya naman naayos namin ule ang lahat. Pinatawad ko ulit sya sa kabila ng lahat.
Hindi ko alam pero may mga times na parang ang lamig lamig nya sa akin simula nang pumasok ang month of April 2016. Sinabi ko sa kanya na palitan na namin ang status namin sa Facebook at pumayag sya. Kapag daw nagkaroon sya ng stable na internet ay papalitan nya
April 9, 2016
Nag outing sila ng mga ka officemate nya sa Pagudpud (sa Laoag nga pala sya nagwowork) at noong pauwi na sila from outing ay pinalitan na pala nya ung relationship status nya. Hindi ko ito nakita until April 15 2016 habang nag sstalk ako sa kanya. Noong una ay natuwa ako dahil binago na nya pero nagulat ako na April 9 ang nakalagay na start wherein dapat August 26 kaya nagtampo ako.Sinabi ko sa kanya iyon pero sabi nya na gusto ko daw palitan kaya pinalitan nya. Sorry daw hindi daw sya nag iisip - sarcastic na dagdag pa nito, kaya lalo akong nagalit at umabot kami sa puntong parang nagpapaalam ako pero hindi naman talaga iyon ang gusto ko. Gusto ko lang na kahit paano e magpaka sweet naman sya sa sorry nya pero iba ang naging pagtanggap nya sa mga sinabi ko kaya nagaway kami noong gabi ng April 15. Kinabukasan bisperas ng aking kaarawan magkaaway pa rin kami. Walang paramdam kaya mas lalo akong nainis, hindi man lang magtext, sya na tong may mali kaya nagtext ako ng pagalit at tinanong ko sya kung ayaw na nya ba at parang may puntong "ok edi break na" ang aking mga text. Aminado ako na napaka immature ng mga text ko pero para kasing binalewala nya ang mga ganung bagay na dapat e alam na alam nyang seryoso. Makalipas ang ilang oras ay tinawagan ko sya, nasa inuman daw sya, naglalasing sya kasama ang mga kaoofficemates nya. Naglalasing daw sya kasi iniwan ko sya. Inayos ko na lang ang gulo para hindi na humaba pa, nagsorry ako at nakipag ayos na lang ulit. Narealized ko na mali din naman kasi ako hindi ko sya pinagpaliwanag ng maayos sa halip ay nagalit na lang ako agad. At naayos nga naman ulit, kaya naman nag sumapit ang kaarawan ko ay maayos na kami ulit.
At para bigyan ng bawi ang mga nangyari ay nagpasya akong puntahan ulit sya sa Laoag. Nagkasundo kaming mag spend ng weekend sa Vigan Ilocos Sur.
April 22 - 26, 2016
Pumunta ako ng Laoag at dumirecho nga kami ng Vigan at doon ngpalipas ng weekend. As usual gala gala sa mga tourists spots, Calle crisologo, Baluarte, Dancing Fountain, Museum ni Elpidio Quirino to name a few. Sa palagay ko ay ayos na ulit ang lahat kaya naging kampante na ulit ako sa relasyon namin. Napaka memorable ng Vigan namin dahil doon din nangyari ang isang bagay na sa aking pananaw ay "normal na lang". Bumalik ako ng Manila ng April 24 pero this time by plane na.
Sumila noong mag-away kami before my birthday ay napansin kong medyo nagbago na sya, malamig na sya sa akin, yung parang hindi na sya masaya hindi man nya sabihin at isang araw nga ay dumating ang pinaka matinding away namin.
May 6, 2016
May isang post sa facebook na kanyang ni-like at lumabas ito sa feeds ko, pinuntahan ko ang nag post nito at hindi ako pwedeng magkamali sya ang lalaking nasa Ipod nya na may sariling folder sya si Errol na tinatawag din nyang "KuyaKo" Iniscan ko ang profile ni Errol at nakita kong naka "In a Relationship" since April 10, 2016. Bigla ko tuloy naisip yung April 9 kung kailan si Jona nag In Relationship. Kung kayo ang nasa kalagayan ko marahil magtataka din kayo ang lapit naman, pero ang tungkol sa status na iyan ay nilinaw na nya sa akin matgal na kaya hindi ko na ito binigyan ng pansin sa halip nakatawag sa aking pansin na lahat pala ng post ni Errol e naka like sya, samantalang sa mga post ko ay never niyang pinansin. Hindi ako naiinggit nagtataka lang ako, alam naman nyang aware ako sa taong iyon. Sinbabi nya na magbabago na sya, pero bakit ganun? Anong ibig sabihin nun? Sa oras ding iyon nakita ko na yung lalaking taga Bacolod ay friends nya sa Facebook at Aaron pala ang pangalan kung saan ganun din ang behavior nya sa mga post nito. Kahit napaka walang kwentang post naka-like sya. Ano yun nagpapapansin ba sya? Nagpapa-notice?
Alam kong mababaw ito pero bilang boyfriend nya, e may karapatan naman siguro akong magselos lalo pat sinabi nya na magbabago na sya tapos tuloy pa rin pala at sila pa rin ang mga taong involve. So hindi pala totoo ang sinabi nya ever since? Hindi talaga sya nag bago? Ewan ko gulong gulo na ako. Hindi ko na alam kung sino paniniwalaan ko.
Naisip ko tuloy kaya siguro sya nagpalit ng password noong magaway kami before my birthday. Dahil sa gulong gulo na ako ay gumawa ako ng kwento na kesyu may source ako na nagsabi ng mga allegations ko. Ganunpaman inamin ko naman ito sa kanya pero nagalit sya at nagdesisyong makipag hiwalay. Nagdahilan sya na ayaw na daw nya akong masaktan kaya sya na lang ang lalayo. Sa totoo lang ayoko makipaghiwalay at pinagsisishan ko ang ginawa ko. Humingi sya ng time para mag-isip dahil hindi na raw sya sigurado s nararamdaman nya sa akin. Wala daw ba akong tiwala sa kanya? Nagsisi ako at humingi ako ng tawad sa kanya pero parang buo na ang desisyon nyang makipaghiwalay.
Last Part is Next.

No comments:
Post a Comment
Thanks for your comment. I'll be glad answering you soon. ;)