Totoo nga ang kasabihan na "The beginning is always the hardest" dahil I had a hard time analyzing myself if I really want to push my feelings for her and make her part of my life forever.
Habang pauwi ako sa bahay matapos ko syang ihatid sa bus station, hindi mawala sa isip ko ang mga tanong na:
"Gusto ko ba talaga sya?" "Sigurado ba ako sa nararamdaman ko?" "Magwowork kaya ang relasyon namin?" "Paano kung hindi magwork, baka masaktan ko sya". Sa totoo lang kasi, hindi ko kayang manakit dahil sa pagiging selfish.
Nagtext sya noong malapit na ako sa apartment:
"Mahal, salamat sa lahat ha. Paalis na po yung bus.
nagreply ako, sabi ko:
"ok lang yun walang problema. Magiingat ka ha."
Noong mga panahong iyon, iniisip pala nya na hindi nya ako na please, na hindi sya nakapasa sa expectation ko. Sa totoo lang tama sya, hindi nga iyon ang ini-expect ko at siguro nga nag ambisyon ako ng lagpas sa kapasidad nya. Hindi rin kasi sya showie na totally kabaligtaran ko.
Noong makabalik ako sa apartment, wala pa ring linaw sa utak ko, wala pa ring sagot sa mga tanong ko.
Kung pupunta ka sa apartment namin sa Mandaluyong, 'pag pasok mo palang ng pinto ay makikita mo na agad iyong double deck na higaan ko.
Nakakatuwa na noong buksan ko ang pinto ay may parang isang malinaw na picture sa utak ko na nakikita ko syang nakahiga doon, marahil naaalala ko yung dumating sya at natulog sya maghapon at maghapon ko rin syang pinagmasdan. Humiga ako doon at nagisip akong mabuti. Sa totoo lang mabait sya, nararamdaman ko yun sa puso ko. Sumagi sa isip ko na pinasok ko ito, tapos iiwanan ko na lang ng basta? Ganun ba ang klase ng pagkatao na meron ako? Ilang saglit pa at parang may kung anong magic ang tumama sa akin at parang nabigyan ng sagot lahat ng tanong ko. Yung tipong kahit walang derektang salita na pumapasok sa isip ko bilang paliwanang sa tanong e parang nauunawaan ng puso ko ang lahat malinaw na malinaw.
Bumangon ako at tinawagan ko ang isang taong nakakaalam ng lahat, si Gizelle - isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. Kaibigan ko si Gizelle at sobrang laki ng utang na loob ko sa taong iyon. 'Pag dating sa pagibig, trabaho, emotional at even financial sya ang aking takbuhan. Ikinewento ko sa kanya ang lahat at kung kanina puso ko lang ang nakakaunawa sa lahat, ngayon ay biglang naging malinaw din sa utak ko na ganun talaga iyon kasi first time palang naming nagmeet. lahat naman daw nagsisimula sa ganun, bigyan ko daw ng chance and kung hindi talaga mag work e saka daw ang magdecide.
Noong mga oras na iyon ay desidido na rin talaga akong ituloy ang laban kahit anong mangyari. Sinimulan ko ito e, saka andito na ako itutuloy ko na ito. Ika nga e laban na ito.
Ilang sandali pa ay nagtext sya ulet, nasa La Union na daw sya, medyo malayo pa ang byahe kaya matutulog na lang muna daw sya. Sa mga sandaling iyon ay may feelings na ang bawat reply ko sa kanya, andun na ung puso, andun na 'yong kagustuhan ko na lumaban para sa kanya.
Matapos ang ilan pang mga oras ay nakabalik na din sya sa Laoag. Nagtext sya to inform me na nakarating sya ng safe.
Mula noon ay mas lalo ko pang pinag igting ang aming relasyon. Naging mas-sweet at mas nakilala pa namin ang isat isa at dahil doon ay naipasya kong dalawin sya sa kanila sa Laoag City Ilocos Norte.
January 22, 2016
Dala ng kagustuhan kong patunayan ang sarili ko at ang pagmamahal ko sa kanya nagpunta ako ng Laoag City. Nag-leave ako ng dalawang araw (Jan 22 and 25) para bigyan ng panahon ang aming relasyon pero sa pagkakataong ito ay sa sarili nilang lugar.
Noong bumaba ako sa Bus, wala pa sya doon, malapit lang kasi ang bahay nila dun kaya hinintay na lang nya akong makarating. Hinanap ko agad ang CR para echeck kong maayos ba hitsura ko para naman hindi nakakahiya sa mahalko kapag nakita nya ako. at maya maya pa nga ay dumating na sya lulan ng isang tricycle. Habang bumababa sya sa tricycle ay parang akong lumulutang sa hangin, yung parang sa pelikula, yung may slow motion, yung parang manghang manghan ako sa kagandahan nya at hindi ko nga namalayan e nasa harap ko na pala sya.
"Kumusta? -pambungad nya. habang ako naman e hindi pa rin nakaka recover sa imahinasyon ko.
"Ang ganda mo" - iyon lang ang nabangit ko.
"huh? isang buwan palang tayong hindi nagkikita e" - tugon naman nya.
Hindi ko rin ma explain pero nagiba ang tingin ko sa kanya. Yung parang wala ng ibang mas gaganda sa kanya. Napagtanato ko na tama si Gizelle, ganun talaga kapag una hindi mo pa masyado ma-aapreciate yun, at ngayon na sa ikawang pagkakataon ay super na appreciate ko na ang lahat. Parang lahat ng first impression ko isang buwan na ang nakakaraan ay nawala at napalitan ng bagong pananaw. Ngayon mas positibo at mas malinaw sa puso at isip ko.
Medyo late night na iyon kaya noong dumating kami sa kanila ay tulog na ang iba nyang mga kasama sa bahay maliban doon sa mga pinsan nya na umiinom sa labas ng bahay nila.Nag-stay lang kami sandali sa sala nila at dumerecho na rin kami sa kwarto nya sa second floor. Oo, medyo pang mayaman ang bahay nila at nakakatuwa na sa kabila noon ay napaka accomodating ng mga pinsan nya lalo na iyong lola nya.Napaka babait nila kaya lalo kong napatunayan na mabait nga si Jona. Ilang sandali pa ay natulog na kami. Magkatabi? Oo naman, choosy pa ba ako, ang ganda ganda ng kasama ko choosy pa ba? hahaha
Marahil nagtataka kayo at nagtatanong kung pumayag ba ang parents nya na magkatabi kami? Sa totoo lang, separated ang parents nya, only child sya at nakatira sya sa bahay ng lola nya sa side ng tatay nya at nasa Ibang bansa ang Mama nya and to cut the story short, natulog kami magkatabi at natapos ang gabi na iyon na masaya.
Minsan talaga hindi mo malalaman ang isang bagay unless sinubakan mong gawin at nagpapasalamat ako sa pagkakataon na sinubukan ko at least may napala ako at ngayon nga ay napaka saya ko.
To be Continue. . . .
Click Here for Part III


No comments:
Post a Comment
Thanks for your comment. I'll be glad answering you soon. ;)