Kung mahal mo ang isang tao, huwag mong papalampasin ang bawat pagkakataon na patunayan ito sa kanya. Kumilos ka at gawin mo syang masaya, lagyan mo ng kulay ang mundo nya habang may panahon ka pa.
". .Kinabukasan umpisa na ng plano, first destination - PAGUDPUD.Nagrent kami ng tricycle from Laoag City to Pagudpud. Isipin nyo mula Pasay hanggang Pampanga tapos naka tricycle kayo? Ganun kalayo, pero ang masaya dun, kasama ko sya, tapos ang ganda ng daan papunta ng Pagudpud. Dumaan kami sa Cape Bojeador Lighthouse, sa Windmill sa Bagui, Patapat Bridge at syempre sa Pagudpud kung saan nagstay kami sa isang magandang beach ng ilang oras. Naligo na rin ako kahit medyo umuulan, maexperience ko man lang ang beach doon.
 |
| Patapat Bridge |
 |
| Pagudpud Beach |
Hindi ako expressive na tao, minsan dinadaan ko lang sa body language ang mga nararamdaman ko kaya hindi ko rin maexplain ang nararamdaman ko pero sobrang saya ko.Isa kasi sa mga pangarap ko ay pumunta sa beach kasama ang taong mahalko at umupo sa tabi ng dagat magkahawak ang kamay habang pinapanood namin ang sunset, ang problema lang umuulan noon kaya walang sunset pero ayos lang masaya pa rin, fullfilling pa rin ang experience.
 |
| Our symbol |
 |
| cape bojeador lighthouse |
Pagsapit ng ika-lima ng hapon, tumulak na kami pabalik ng Laoag City pero sa pagkakataong ito e naka bus na kami. Medyo malayo at matagal ang byahe kaya natulog na lang muna kami pagkasakay namin tutal tulog din naman lahat ng pasahero.
 |
| cape bojeador lighthouse |
 |
| Ilocos Norte Cuisines |
Makalipas ang ilang sandali medyo na alimpungatan ako dahil sa isang malakas na boses sa likurang bahagi ng bus kung saan natutulog ang isang staff ng bus.
"Lahat po ng pasahero, ilabas po ang wallet nyo. Hold-Up po ito."
Sobrang natakot ako na para akong maiihi sa salawal ko pero hindi ko ipinapahalata, malamig sa bus kaya mas lalong nangatog ang tuhod ko. Naisip ko patay, nawithdraw ko na lahat ng pera ko sa ATM kaya malamang walang matitira sa akin, hindi ko alam kung paano ako uuwi ng Manila. Napansin ko nagising ung nasa kabilang upuan sa tapat namin at lumingon sya, kaya kahit natatakot e dahan dahan din akong lumingon at para naman akong nabunutan ng tinik ng marealize ko na pinagtitripan lang pala ng kundoktor yung natutulog niyang kasama. Parang biglang nawala lahat ng takot ko at napalitan ng sobrang pagod. Ganun pa man, para naman akong dinuduyan sa ulap ng mapalingon ako kay Jona, tulog na tulog sya at naka unan sya sa balikat ko habang magkahawak ang aming mga kamay. Binigyan ko sya ng isang matamis na halik sa kamay at isinandal ko na rin ang ulo ko sa kanya at bumalik na ako sa pagtulog.
Ika-pito na ng gabi ng makarating kami sa Laoag City. Pagbaba namin ng bus kumain kami sa isang medyo sosyal na restaurant along JP Rizal St. Laoag City (nakalimutan ko na yung name) at ang dami naming inorder, ay mali, ako pala ang dami kong inorder kaya hindi namin naubos. Itinake out na lang namin ito at dinala sa bahay nila.
Nang bumalik kami sa kanila medyo maaga pa iyon kaya gising pa mga tao. Nandoon ang mga pinsan nya kaya nakilala ko na rin sila. Subalit dahil pagod nga kami, natulog na rin kami makalipas ang ilang minuto.
Kinabukasan - Linggo, huling araw ko na sa Laoag at matagal na ulit kaming hindi magkikita. Back to normal ika nga.
 |
| Paoay Church |
Sa huling araw ko sa Laoag, binisita namin ang Laoag Museum, nagpunta kami sa Batac kung saan andun ang bangkay ni Ferdinand Marcos Sr. Para palang manikin na lang ang bangkay nya. Nagpunta kami sa museum ni Marcos picture picture tapos pumunta na kami sa Paoay - kung saan andun ang oldest church of Paoay - yung nasa pelikula ni Erich Gonzales at Mario Maurer na Suddenly its Magic.Mula Paoay ay pumunta naman kami sa tinaguriang "Malacanang of the North". Ang ganda pala nun, kopyang kopya ang Malacanang Palace sa Maynila. Pagkatapos doon ay bumalik na kami sa Laoag para maghanda sa aking pag-alis. Alas otso ang oras ng byahe ko pabalik ng Maynila kaya naman sinulit na namin ang bawat minuto nito. Bumalik kami sa bahay nila para ayusin ang mga gamit ko at maghanda para sa aking pagbalik ng Manila.
 |
| Malacanang of the North |
 |
| Laoag City Museum |
 |
| Bell Tower inside Loaog City with Mama Mary's reflection during the night |
Alam kong magiging malungkot na ang mga susunod na mangyayari pero nagpakatatag ako, at nang sumapit na nga ang takdang oras ay nagpaalam at nagpasalamat na ako sa kanila para sa kabutihang loob nila sa akin. Nagmano ako sa lola nya (pogi points sa lola nya :P) at lumabas na ako ng bahay nila. Nagulat ako kasi lahat ng pinsan nya na naroroon ng mga oras na iyon ay sumama sa paghahatid sa akin sa Bus Station kaya naman walang kissing scene before I go. (Joke. . :P)
Si Jona ang nagdala ng paper bag na pinaglalagyan ng mga pasalubong na binili ko hanggang bus station at kaya pala nya ginawa iyon ay mayroon syang ibibigay sa aking regalo para sa aming 5th Monthsary.Pagkadating namin sa station ay umalis na din sila kaagad dahil paalis na rin yung bus kaya sa text na lang kami nagkapag palitan ng "I Love you. Ingat ka".
Habang nasa byahe ako, ay nagstop over ang bus sa isang karinderya sa La Union at doon ko nadiskubre ang regalo nya.
Mga greetings na nakalagay sa envelope : nakasulat ang mga katagang:
OPEN WHEN: at bawat mood may greetings. Halimbawa, OPEN WHEN: you wanna know how much I love you. OPEN WHEN: you feel angry at me at marami pang iba. Bawat envelop ay may picture nya minsan picture naming dalawa.
Naluluha ako habang binubuksan ko ang ilan sa mga greetings. Iyon ang unang beses na may gumawa ng ganoong effort sa akin kaya sobrang naappreciate ko. Naisip ko, ito na ang sagot sa mga tanong ko noon. Ito ang dahilan kung bakit worth it na itry ko ang pag-ibig na sa umpisa ay parang walang kinabukasan. Napatunayan ko rin na ang pag-ibig ay kayang matutunan at it takes time para masabi mong mahal mo ang isang tao at sa mga oras na iyon alam kong mahal na mahal ko na si Jona. Siguradong sigurado na ako sa pagkakataong iyon.
Habang palayo ako ng palayo sa Laoag ay palapit naman ng palapit ang puso ko sa kanya at lalo pa itong lumapit sa paglipas ng mga araw at habang tumatagal nga ay lalo ko pa syang minahal.
Marahil nagtatanong kayo, hindi ba kami nag-aaway? Sa totoo lang, Oo. Never kami nag-away (yung away talaga ha) simula't sapul. At dahil nga sobrang inlove na ang lolo nyo, yung tipong nakakarinig na ako ng kampana ng simabahan (hehe.. P) ay gumawa pa ako ng paraan para magkaroon pa kami ng quality time together na malayo sa Laoag at sa Manila.
February 18, 2016
Bilang bahagi ng selebrasyon ng aming ika 6th Monthsary ay napagkasunduan naming umakyat ng Baguio. Mula Laoag ay bumyahe sya papuntang Manila at mula Manila ay nagbyahe kami together papuntang Baguio. Pero bago iyon ay ipinakilala ko muna sya kay Gizelle. Pinuntahan namin si Gizelle sa pinagtatrabahuhan nyang kumpanya sa Makati at kumain kami sa isang restaurant along Paseo (yata). Sa totoo lang, proud na proud ako sa mga pagkakataong iyon, Yung feeling na one step closer ako sa dream wedding ko (as in. promise). At pagkatapos nga noon ay umuwi na kami at naghanda papuntang Baguio.
11PM umalis ang bus na sinasakyan namin papuntang Baguio at medyo hindi rin ganun kabilis ang byahe dahil mga 7AM na kami nakarating ng Baguio pero habang nasa byahe kami ay walang pagsidlan ang kaligayahan ko kapag pinagmamasdan ko syang natutulog sa tabi ko. Parang alam mo yun, ang saya lang, nakakakilig na parang ang saya saya.. basta ganun.
Nang makababa kami ng bus ay kumain kami sa Jollibee along Session Road sa Baguio, 2PM pa kasi ang check-in namin kaya medyo matagal pa. Nilibot namin ang Burnham Park after namin kumain, Bumili kami ng strawberry taho at nagpicture picture doon sa bangka na parang Bibe. Makalipas ang ilang oras ay naisipan na lang namin tumambay sa SM Baguio since bukas na ito ng mga oras na iyon. Nagvideoke kami together at infairness po ang ganda ng boses nya, nakakainlove at matapos nga iyon ay gumala gala na lang kami sa SM while waiting for our check in time at nang sumapit na ang tamang oras ay pumunta na kami sa transient house at nagpahinga ng ilang oras. Magkayakap kaming natulog sa napaka lambot na kama. :)
 |
| Videoke with Jona in SM Baguio |
 |
| Strawberry Tahoo. slurp. |
 |
| Groto |
Nilibot naming dalawa ang Baguio pero ang pinaka gusto ko sa lahat ay noong ipinakilala nya ako sa mga kaibigan nya na kasalukuyan ding naroroon sa Baguio ng mga panahong iyon. The best talaga yung feeling na palapit ng palapit sa legality ang aming relasyon. haha :P
 |
| Meet and Tambay sa Starbucks with her friends |

Pero sabi nga hindi makukumpleto ang isang relasyon kung walang away. Noong ikalawang araw namin sa Baguio, habang masaya kaming dalawang nagbibiruan ng mga random jokes, Noong una masaya pero nakapag joke ako ng hindi maganda ang dating sa kanya tungkol sa expenses (gastos ata namin) ko at hindi ito naging nakakatawa para sa kanya sa halip ay nainsulto sya na prang minalit ko ang pagkatao nya. Hindi ko itatanggi na medyo pangit talga minsan ang mga jokes ko lalo na kapag kilala ko na ang taong pinapatungkulan ko ng joke pero para sa akin ay joke lang ito at walang katotohanan regardless kung gaano man ito kalapit sa katotohanan. Nagkaroon ng awkward moments sa aming dalawa lalo na noong umiyak sya. Parang dinudurog ang puso ko ng mga sandaling iyon dahil umiiyak ang mahalko dahil sa akin at nakikita pa ng dalawang mata ko. :'(. Pagkatapos nito ay nagpost sya ng satus sa facebook tungkol sa joke na iyon, at doon ay nasaktan ako lalo na sa flow ng usapan nila ng mga taong nag comment doon. Feeling ko kasi hinusgahan nya ako agad ng dahil sa joke. Kinusap ko sya ng personal at ipinaliwanag ang lahat. Ganunpaman naayos din ang lahat ng mga oras ding iyon naibalik din namin sa normal ulit.

Apat na araw kami sa Baguio at noong ikatlong araw na namin habang naliligo sya ay naisapan kong ibrowse yung mga picture namin sa Ipod nya. Medyo tanda ko kasi ang code pattern nya kaya nagawa ko itong buksan besides boyfriend naman nya ako kaya I think wala namang masama kong open ko Ipod nya. Pagkaopen ko sa Ipod nya, derecho agad ako sa photos at nagulat ako sa nakita ko, ang daming picture ng lalaki na mga naka pose, may nakatop-less, may folder pa nga na ang name ay name nung lalaki (Errol).






Palakas na ng palakas ang kaba ng dibdib ko na para akong binubuhusan ng mainit na tubig. Dahil sa nakita ko sinubukan ko na ring tingnan ang mga social accounts nya tulad ng wechat kung saan kami madalas ding nag-uusap dati at mas lalong dinurog ang puso ko sa mga nakita at nabasa ko. Ang dami dami nyang katrip na lalaki doon iba iba, at ang conversations nila ay ilang araw lang ang nakakaraan. Yung iba hindi ko maintindihan dahil ilocano ang thread pero dun sa ibang tagalog, nanliit ako sa mga nabasa ko.
Maya maya pa ay malapit na syang lumabas kaya isinara ko na ang lahat. Hindi ko sya kinompronta dahil ayaw ko masira ang bakasyon namin doon at gusto kong maging honest sya sa akin. Kung talagang mahal nya ako dapat transparent sya sa akin. Muli ay nagpaka normal ako na parang walang nangyari. Pansumandali ay kinalimutan ko ang mga nakita ko at pinilit na maging kalmado.
Sa kabila ng lahat, pinaparinggan ko sya ng mga kanta tulad ng "Is there something" ng six part invention sa pagaakalang kahit pano ay makokonsensya sya pero mukhang wala talaga syang balak magsabi ng totoo siguro dahil ang alam nya e wala pa akong alam.
Hanggang sa natapos ang bakasyon namin ay wala syang narinig sa akin tungkol sa nakita ko. Hindi ko sya kinompronta dahil ayoko syang mapahiya sa harap ko, ayoko syang masaktan at ayoko rin na kapag kinompronta ko sya ay mawala sya sa akin. Tanga ba? Oo na, tanga ang tawag sa akin. Sorry mahal ko e.
Habang ako ay nagbibyahe pauwi ng Manila ay umiiyak ako sa bus, nagulat ako sa nalaman kong ang taong pinaka mamahal ko ay hindi tapat sa akin at allegedly niloloko ako. Samantala, sabay na silang umuwi ng Laoag ng kaibigan nyang si Czarina.
Nang dumating ako ng Manila, sa halip na magalit ay iba ang narealize ko. Narealized ko na mas malaki ang pagmamahal ko sa kanya kumpara sa pride ko kaya sinabi ko sa kanya ang nakita ko. Sa mga oras na iyon, handa na akong paniwalaan ano man ang sabihin nya kaya naman noong sinabi nya na wala lang ang mga iyon at hindi nya boyfriend iyon ay naniwala ako agad at pinalagpas ang mga nangyari.
Alam kong iniisip nyo ngayon na para akong walag utak, na hindi ako nagiisip at hindi ko ginagamit ang utak ko pero parang ganun naman talaga ata kapag nagmamahal ka kasi sa pagmamahal hindi naman talaga utak ang ginagamit kundi puso.
Hindi madali para sa akin ang palagpasin na lang ang lahat ng nangyari pero mas namamayani sa akin ang pagmamahal kumpara sa pride at kung bakit at paano nangyari yun ay hindi ko rin alam.
To Be Continue. . .
Click Here For Part IV