Nagising ako kinabukasan at excited na excited ako. Pupunta kasi ako ng Laoag sa Ilocos Norte para magkita kami ni Regz. Si Regz (Regina Spectator) yung ka MU (mutual understanding) ko na nagtatrabaho sa Avion BPO company sa Laoag at ngayon araw na ito ang itinakdang araw para kami ay magkita. Yehey!
Ika pito ng umaga ng dumating ako sa Laoag kinabukasan pero dahil hindi ako kumain ng hapunan bago umalis ng bahay nagutom ako kaya kumain na muna ako sa isang fastfood yung malapit sa tulay na nagdudugtong sa San Nicholas at Laoag City. Nagtext ako kay Regz habang kumakain para ipaalam sa kanya na dumating na ako. Wala syang reply kaya inisip ko na lang na baka tulog pa sya. Habang kumakain nagring ang cellphone ko. Si Regz tumatawag.
Regz: San ka?Naisip ko, pano ko malalaman na malapit na ako e hindi pa naman ako nakakapunta sa kanila?
R: kumakain ako dito sa Mcdo gutom na kasi ako e, hindi ako naghapunan.
Regz: Okay, after mo dyan, magtrike ka na lang papunta dito. Sabihin mo Siazon Road.
R: Okay po.
Regz: Magtext ka kapag malapit ka na para hintayin kita sa labas.
R: Okay okay.
Ganun pa man, sinunod ko bilin nya, pumara ako ng tricycle sa harap ng fastfood at nagpahatid ako sa Siason Road. Makalipas ang ilang minuto ay may natanaw akong taong nasa labas ng gate. Hindi ako pwede magkamali si Regz yun.
R: Manong para po
Huminto ang tricycle at bumaba ako, tinanong ko yung driver kung magkano, bahala na daw ako. Hinugot ko yung 50 pesos sa coin purse ko at medyo nadamay yung 20 at muntik na malaglag sabay abot sa driver.
Driver: Masyadong malaki. yung bente na lang.sa isip isip ko, 50 pesos malaki? manong ano naglolokohan tayo? e parang 30 years tayo nagbyahe mula dun sa fastfood hangang dito tapos nalalakihan ka pa sa 50 pesos? E parang isang litrong gasolina na naubos mo dun e?
Pero dahil yun ang gusto ng driver ini-abot ko sa kanya ang bente at tumalikod na ako para harapin naman si Regz. Ang ganda nya (. ayiieehh. kesshiee.. pereng sere te) nagtataka lang ako bakit sya naka medyas tapos naka shorts at naka tsinelas at sando. Pumasok kami sa gate na nasa likod nya at tinanong nya ako
Regz: Oh kumusta byahe?
R: Okay naman. nakakapagod. hehe
at ilang hakbang lang ay narating na namin ang kanilang unit.
Regz: Guys, this is R. R si Joy at si Rolyn.Pumasok kami ni Regz sa kwarto nila at naupo kami sa kama nya habang naguusap ng kung ano ano.
R: *ngiti* Hello.
Girls: Hello bes.
Rolyn: Okay, tagalog only tayo ngayon walang mag iiloco. Hay manose bleed ako nito.
R: Pwede ring English.
Rolyn: Naku, tissue please.
Regs: Mahiga ka muna ah, matulog ka kasi pagod ka sa byahe.
R: No, Im okay. nakatulog naman ako sa byahe kanina kaya okay lang ako.
Nahiga sya sa kama at tinabihan ko sya, niyakap ko sya at gumanti naman sya ng yakap. (ayiieeh.. kiligmuch. weg ke nge). lOlz
Maya maya, may tumawag kay Regz, nagulat ako kasi boses ng lalaki ang alam ko dalawang babae lang ang nasa labas. Dumating na pala si Charlie, boyfriend ni Rolyn.
Charlie: Regz.
Regz: Uy.
Charlie: kdcjnskcnl kn sdvnslvknsl
Regz: skvjskdjs snsnsdls sldknv
Ilocano kasi yung salita kaya hindi ko naiintindihan. lolz
Sa araw na iyon pupunta kami ng Bacarra kasi may bakasyunan sila Regz dun at doon kami mag e stay the whole weekend. Mga 30mins na byahe mula sa apartment nila hangang doon sa lugar.
Nang marating namin ang lugar na iyon sobrang nakaka relax ang ambiance doon, isang malawak na lupain na puro fish pond tapos maintained yung mga damo halatang regular na pinuputol, tapos may ilang grupo ng mga kambing, tapos madaming puno at may dalawang cottage. Yung isa para dun sa care taker at yung isa naman ay para sa mga guests. Para syang resort na pwede kang mag fishing. tahimik at ang maririnig mo lang ay hampas ng alon sa dalampasigan malapit kasi sa dagat at ang malalakas na tawa nila Rolyn at Joy (charot!).
Hapon na ng dumating kami sa resort mga alas tres yata yun at nagstay muna kami dun sa isang cottage kung saan nakatira (yata) yung care taker na auntie ni Regz habang inaayos pa nila yung isang cottage kung saan talaga kami magpapalipas ng gabi. Picture picture sila, kwentuhan kaso ilocano ang salita nila kaya palagi akong OP. Ang ginagawa ko na lang nag-cecellphone ako, naglalaro para malibang kapag wala ako sa eksena ng usapan. haha
Maya maya napagkasunduan namin na pumunta sa tabi ng dagat, hindi ganun kaganda yung dagat kasi hindi pa sya developed, normal na shore lang sya at kung minsan daw ay may pumupuntang mga tao dun at naliligo, may mga improvised mini cottage nga doon na parang ginamit ilang linggo lang ang nakakaraan. Again, picture picture sila alam mo naman mga babae kapag may mga view di mo mapipigilan ang pagpipicture nyan, paulit ulit ibat ibang angulo habang kami ni Charlie ay naiwan doon sa mini cottage.
Charlie: Galing ka pa ng Manila nyan?
R: Oo, kanina lang ako dumating.
Charlie: Pagod ka pa nyan.
R: Hindi naman, nakatulog naman ako kanina sa byahe.
Charlie: saan kayo sa Manila?
R: Ako Mandaluyong ako.
Charlie: Yung tita ko kasi nasa Manila din sa Malabon.
R: Ahh...
at tinawag na kami ng mga girls pumunta daw kami doon. Naglakad lakad lang kami at makalipas ang ilang minuto ay bumalik na kami sa cottage kasi umuulan na.
Nang tumila ang ulan ay nag fishing naman kami sa fish pond. Yung fishing na may fishing rod tapos may hook at line. Tuwang tuwa sila, nagvideo pa nga sila e, tapos pinost sa Facebook.
Noong tapos nang iprepare yung guest cottage doon na kami nag-stay at inassist kami nung dalawang batang babae na mga pinsan ni Regz. May dalang papel at ballpen ang isa sa kanila. Gumagawa pala sya ng assignment. nagpatulong sya kay Regz na gumawa ng isang article about love. Kinuha ni Regz yung ballpen at papel at lumapit sya sa akin. Nagets ko na agad ang mga susunod na mangyayari, ipapagawa nya sa akin. Sa totoo lang hindi ako handa sa mga oras na iyon baka kung ano lang ang isulat ko dun. 'Paglapit ni Regz:
Regz: Gawa ka nga ng article about love. Alam ko magaling ka dyan e.sa isip isip ko patay, mabubuking na hindi talaga ako magaling sumulat pero dahil ayoko ipahiya ni Regz at para pogi point na rin sa kanya, wala na akong nagawa kundi kunin ang ballpen at papel at simulang isulat ang mga naiisip ko ng mga oras na iyon. kahit no naman daw e.
R: Hala. hindi ako prepare, ikaw na mas magaling ka dyan at saka hindi maganda hand writing ko.
Regz: Sige na, kahit ano lang.
R: Hala. teka anong atake ba ang gagawin dito? Pano mo gustong isalaysay ito? parang Oratorical ba?
Regz: Ikaw na bahala.
Makalipas ang ilang minuto natapos ko na ang article. Hindi ko na matandaan kung ano nakasulat doon pero inilagay ko lang doon ang importance ng love kinumpara ko sya sa mga bagay bagay. Ayoko na rin maalala pa ang sinulat ko dun kasi nung basahin ko mukang hindi nila nagustuhan kaya hayaan na lang natin. hahaha.
Pagsapit ng gabi, gumawa kami ng maliit na apoy kung saan kami nag-ihaw ng hotdog. Nag-ihaw din sila Regz ng marshmallows, nagtataka nga ako sa trip nila kasi first time ko maka-kita ng marshmallows na iniihaw, ediba parang bulak lang iyon? Ano pang matitira dun kapag inihaw diba? hahaha.. pero masarap daw kaya sinubukan ko, hindi ko nagustuhan kaya hindi ko na inulit. hahaha
Ilang oras din siguro kami doon sa labas ng bahay kung saan kami nag-ihaw ng hotdog, nagsilbi na rin itong mini bonfire namin habang nagkukwentuhan at makalipas ang ilan pang mga oras ay nagpasya na kaming matulog.
Nakakatuwa 'yong cottage na iyon kapag sa labas mo sya titingnan para syang, ordinaryong bahay sa probinsya, pero huwag ka, kapag pumasok ka, naka aircon pala, lupet. May isang kama doon tapos may kaunting space sa baba ng kama mga good for two persons. Sa kama natulog sila Rolyn, Joy at Charlie habang kami ni Regz ay nasa baba. Bago kami natulog ay kiniss ko sya (sa lips) sabay good night at natulog kami ng magkayakap. (ayiieehh..keshe) :P
Kinabukasan Linggo, umalis na din kami ng maaga kasi uuwi na din ako ng Manila ng gabi (8PM, flight ko to Manila tru PAL, susyal ko diba? lolz)
Bumalik kami sa apartment nila sandali, umuwi na sa kani-kanilang mga bahay sila Rolyn, Joy at Charlie at kami naman ay naiwan sandali sa apartment para ihanda yung mga gamit namin. Pumunta kami sa bahay nila Regz sa San Nicholas. Natulog kami sandali at mga alas tres ng hapon napagdesisyonan naming manood ng sine "The Third Party" tutal maaga pa naman.
To Be Continue. . .
No comments:
Post a Comment
Thanks for your comment. I'll be glad answering you soon. ;)