Regz:Loves, huwag tayo diyan. doon tayo sa taas, masakit kasi sa mata sa part na yan.
R: Aok, sige po.
Sumunod ako sa kanya at umupo kami sa pangalawang line mula sa huling linya ng upuan ng sinehan sa Robinsons Ilocos Norte.
Nang makaupo kami, inayos namin ang mga dala naming foods at ibinaba ko na rin muna ang aking backpack sa katabi naming bakanting upuan. Hindi pa nagsisimula ang movie kaya medyo may time pa kami to relax at kwentuhan konte. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang pelikula. "The Third Party" starring Angel Locsin, Sam Milby at Zanjoe Marudo.
Noong magsimula na ang pelikula ay nagsimula na rin kami kumain. pinatay na ang ilaw kaya madilim na sa loob. Rice ang inorder ni Regz kaya medyo nahirapan syang kumain dahil sa dilim kaya naman pinailaw ko ang phone ko para magbigay ng kahit konteng ilaw sa kanya habang kumakain sya.
Regz; ang sweet mo ah.
Ngumiti lang ako at ibinaling ko na ulit ang tingin ko sa pelikula habang kumakain ako ng pop corn.
Noong una natatawa ako sa palabas kasi nakakatawa si Angel Locsin pero doon sa part na graduate na sila ng college at nalaman ni Angel na magaaral pala si Sam sa America ng Medicine naiyak ako. Nakipag break si Angel kay Sam kasi wala naman talaga daw tumatagal na Long Distance Relationship. Papatagalin lang daw nila pero sa hiwalayan lang din naman daw mapupunta yun. May point sya actually. haha
Hindi ko napansin tumulo pala ang luha ko. Naalala ko kasi si Jona. LDR din kasi kami dati at kahit matagal na kaming hiwalay ay nagawa kong sariwain sa isang sandali ang lahat.
Nakakatawa ang movie kaya maririnig mo yung tawanan ng mga tao, pero sa mga oras na iyon hindi lang natatawa ang utak ko sa halip, tuwang tuwa ang puso ko. Tinitingnan ko ng palihim si Regz habang nanonood kami ng sine at hindi ko talaga maiwasang mapangiti kapag nakikita ko sya. Ang ganda nya, at ang sarap nyang tingnan, hindi nakakasawa kahit pa siguro maghapon at magdamag ko syang titigan hindi pa rin ako magsasawa.
After the movie ay lumabas kami ng sinehan at ng Robinsons Mall at dumerecho kami sa Mcdo, memorable ang Mcdo na iyon pero hayaan na lang natin yung memories na iyon mas maganda ang mga nangyayari ng mga oras na iyon. Omorder ako ng favorite kong orderin sa Mcdo, Cheese Burger Deluxe upgraded fries tapos coffee ang drinks. Habang binilihan ko ata sya ng double cheese burger. (Hindi ko na maalala. hahaha.) Pagkatapos doon ay pumunta na kami sa may malapit sa sakayan, kinontak ni Regz ang kapit bahay nilang tricycle driver upang sya na ang maghatid sa amin sa airport.
Habang nasa trike kami ay kiniss ko sya.
Sa unang pagkakataon ay nag "I Love You' ako sa kanya. Sigurado na kasi ako sa nararamdaman ko noon sa kanya kaya nasabi ko na ang mga salitang iyon. Nakangiti sya habang sumasagot ng I Love you too. (ayiiesshh sherep keye..lolx)
Hindi na bumaba ng trike si Regz at umalis na din sila agad at ako naman ay pumasok na sa airport at tuluyan ng umuwi ng Manila.
Noong nasa airport na ako nagtext sya:
Para talaga akong temang dahil kilig na kilig ako. haha
At umalis na nga ang eroplano. Alas dyes na yata yun nakalapag ng NAIA kaya naman mga 11 na ako nakarating sa apartment.
Kinabukasan back to normal, opisina, bahay pero ang masaya doon may taong nagpapasaya sa akin araw araw, may taong nagbibigay sa akin ng dahilan para gumising ng maaga at maging masaya, may taong nagpapa appreciate sa akin ng ganda ng mundo at si Regz 'yon.
Makalipas ang ilang linggo, "Kwaresma" walang pasok kaya naman napagkasunduan namin na magkita ulet. Pumunta ako ulit ng Laoag para makita ang taong minamahal ko.
Sobrang memorable ang mga tagpong iyon, kasi hindi ko naanticipate na ganun pala talaga kadami ang mga pasaherong umuuwi kapag ganoong season. As in nakaka F*** talaga. Biruin mong dumating ako ng Bus station ng 9PM (fully booked na kasi ang Cebu Pac at PAL) nag GrabCar pa ako, tapos pag dating ko sa Bus Station 12AM na daw yung chance passenger trip nila.
Sa isip ko, HUWAATT??? 12AM chance passenger pa yun? O mi, hindi pwede, kailangan kong makita si Regz
Kaya naman, noong bandang alas dyes na, nag announce sila ng chance passenger seat, nakipagbalyahan talaga ako, kahit babae siningitan ko para lang mauna na ako, pasensya na talaga kailangan ko ng mauna kasi naghihintay ang taong mahal ko. Sa awa ng Diyos nakasabit ako sa 11PM Bus kaya ang saya ko. hahaha. Nakarating din ako ng halos 8AM.
Usapan kasi namin na pupunta kami ng Pagudpud kapag dumating ako kaya naisip ko hindi na ako pupunta sa apartment nila sa halip hihintayin ko na lang sila sa Jollibee para tipid na rin sa pamasahe at saka ang sakit na ng mata ko bes. haha
Tumawag si Regz at pinipilit nya akong pumunta muna sa apartment pero dahil mahal ko sya pumayag na lang ako. Pumunta ako sa apartment nila at naupo muna ako sandali sa may kusina, pumasok si Regz sa loob ng kwarto at maya maya pa ay sinundo nya ako, nagtataka ako kasi lumabas sila Rolyn at Joy, pagpasok namin biglang nagsalita si Regz:

R: I love you.

Regz: Namimiss na kita agad. :(
R: I miss you too. Magtiwala ka lang sa pagmamahal ko ha. (sa totoo lang kilig na kilig ako noon parang sasabog na ang puso ko sa sobrang tuwa)
Regz: Magiingat ka ha loves ko.
R: Ayyiiehh.. pereng sere te. haha.. salamat ikaw din po lovesko.
Para talaga akong temang dahil kilig na kilig ako. haha
At umalis na nga ang eroplano. Alas dyes na yata yun nakalapag ng NAIA kaya naman mga 11 na ako nakarating sa apartment.
Kinabukasan back to normal, opisina, bahay pero ang masaya doon may taong nagpapasaya sa akin araw araw, may taong nagbibigay sa akin ng dahilan para gumising ng maaga at maging masaya, may taong nagpapa appreciate sa akin ng ganda ng mundo at si Regz 'yon.
Makalipas ang ilang linggo, "Kwaresma" walang pasok kaya naman napagkasunduan namin na magkita ulet. Pumunta ako ulit ng Laoag para makita ang taong minamahal ko.
Sobrang memorable ang mga tagpong iyon, kasi hindi ko naanticipate na ganun pala talaga kadami ang mga pasaherong umuuwi kapag ganoong season. As in nakaka F*** talaga. Biruin mong dumating ako ng Bus station ng 9PM (fully booked na kasi ang Cebu Pac at PAL) nag GrabCar pa ako, tapos pag dating ko sa Bus Station 12AM na daw yung chance passenger trip nila.
Sa isip ko, HUWAATT??? 12AM chance passenger pa yun? O mi, hindi pwede, kailangan kong makita si Regz
Kaya naman, noong bandang alas dyes na, nag announce sila ng chance passenger seat, nakipagbalyahan talaga ako, kahit babae siningitan ko para lang mauna na ako, pasensya na talaga kailangan ko ng mauna kasi naghihintay ang taong mahal ko. Sa awa ng Diyos nakasabit ako sa 11PM Bus kaya ang saya ko. hahaha. Nakarating din ako ng halos 8AM.
Usapan kasi namin na pupunta kami ng Pagudpud kapag dumating ako kaya naisip ko hindi na ako pupunta sa apartment nila sa halip hihintayin ko na lang sila sa Jollibee para tipid na rin sa pamasahe at saka ang sakit na ng mata ko bes. haha
Tumawag si Regz at pinipilit nya akong pumunta muna sa apartment pero dahil mahal ko sya pumayag na lang ako. Pumunta ako sa apartment nila at naupo muna ako sandali sa may kusina, pumasok si Regz sa loob ng kwarto at maya maya pa ay sinundo nya ako, nagtataka ako kasi lumabas sila Rolyn at Joy, pagpasok namin biglang nagsalita si Regz:
Regz: Loves, (sabay turo sa nakasulat sa pader,)
Natulala ako, as in tulala pansamantala. Iniisip ko, Totoo ba to? Hindi ba to parang Ms. Universe na babawiin nila after 2 minutes? Shit!! Unang beses na nagyari ito sa buhay ko. kinikilig ako at tuwang tuwa ang puso ko. Biruin mo sya pa talaga ang nag propose? For real? As in? My Gad!!! hahahaha
R: Of Course Yes!! hahha
at niyakap ko sya at hinalikan.
Sa labas pala ay hinihintay kami nila Rolyn,
Regz: Guy's okay na.
Pinagplanuhan pala talga nila? My gali!! this is so cheesy. Nakakabading na ewan men.. hahaha :P
Pagkatapos ng mga sandaling iyon ay nilibre ko sila sa Jollibee bilang bahagi ng selebrasyon namin sa pagsisimula ng aming masayang relasyon.
After kumain ay umuwi na sila Rolyn, Joy at Charlie at kami naman ni Regz ay bumalik muna sa apartment nila para kunin ang mga gamit namin at pagkatapos ay tumulak na kami papuntang Pagudpud.
Ang totoo hindi naman bago sa akin ang magbyahe mula Laoag hangang Pagudpud pero sa pagkakataong ito tila iba ang daan tinahak namin at iba rin ang sinakyan namin. Sumakay kami ng Bus papunta sa Pagudpud at namangha ako dahil hindi lang pala Hanna Beach Resort ang mayroon doon. Sobrang dami pa pala kaya naman na enjoy ko talaga ang moment. Nagcheck in kami sa isang beach resort malapit sa dagat at nakakatuwa kasi kunti lang ang tao. Gabi na rin ng makarating kami sa Pagudpud dahil sa layo kaya pagdating namin dinner na lang ang nagawa namin sabay medyo umuulan pa kaya uminom na lang kaming dalawa sa tabi ng dagat.
Nagkwentuhan kami ng tungkol sa buhay buhay namin. Kung paano kami lumaki. Ano kami noong mga bata pa kami. Paano kami nakapag tapos. Nakakatuwang isipin na pinaguusapan namin ang mga bagay na iyon. Iyon ang gustong gusto ko dating pagusapan namin ni Jona pero we never had a chance to talk about that, besides hindi naman ganun ang mga topics na gugustuhin nya.
Nalaman ko na: Regz is really doing well in school from elementary to college. Its just that, nagkaroon sya ng personal na issue sa prof niya noong college tapos nagkasakit pa ang mama nya kaya napilitan syang huminto sa pagaaral para magtrabaho at makatulong sa kanyang pamilya. Sa ngayon nakakatulong na talaga sya sa pamilya nya kaya naman proud na proud ako sa kanya maging hangang sa ngayon.
Natuwa din ako noong ikwento ko sa kanya ang buhay ko, kasi mas lalo daw nya akong hinangaan sa naging daan ko para matamo ang tagumpay na tinatamasa ko ngayon. Para sa aking autobiography i-click lamang dito.
Matagal ang aming naging kwentuhan habang umiinom ng SanMig Light. Tama nga ang sabi sa commercial, mahaba habang kwentuhan SanMig Light. :P (okay. waley..hahaha)
Matapos kami doon ay pumunta na kami sa room namin at natulog.
Kinabukasan, ika-9 na ata ng umaga kami nagising, nagpunta kami sa pinaka pantry ng resort para omorder ng breakfast medyo hindi ko lang gusto yung mga pagkain nila doon kasi mukhang hindi maayos ang pagkakaluto.
After breakfast, tumambay kami sa may gilid ng dagat habang inuubos ko ang aking kape. Nagpicture picture kami doon.

Naligo si Regz sa beach makalipas ang ilang sandali dahil malapit na ulit umulan. Hindi ako naligo kasi ang lamig besides masaya na akong makita syang nagtatampisaw sa dagat. haha. pero naligo naman ako sa banyo nang makabalik na kami sa room.
at dahil may dadaanan pa kaming ibang mga lugar ay nag check out na kami around 2PM. at nagpunta kami sa Batanes. Promise, as in, Batanes of the North.
Ganda ganda dyan, promise, Ill be back there someday.
Matapos ang tagpong iyon ay sumakay na ulit kami ng Tricycle pabalik ng bus station pabalik ng Laoag pero bago yun ay dumaan muna kami sa bahay ng kaibigan nya na matagal na nyang hindi nakikita. Nagkwentuhan sila ng medyo matagal hangang sa umulan na ng malakas, at nakalimutan ko na iniwan ko pala yung sapatos ko sa labas kaya ayun nabasa. :(
Nang tumila ang ulan ay bumalik na kami sa sakayan ng bus sakay pa rin ng tricycle. Pagdating namin sa sakayan wala pang Bus kaya kumain muna kami s isang karinderya, kasi gutom na kami pareho as in gutom talaga. Matapos kaming kumain ay may dumating nang bus na pabalik ng Laoag kaya sumakay na kami.
Nakakatawa kasi noong umalis kami ng Pagudpud ay parang gabi na tapos ang lakas ng ulan samantalang pagbalik namin ng Laoag e may araw pa at walang bakas ng ulan. Dumaan kami sandali sa apartment nila para kunin ang ilang gamit at umalis din kami para umuwi sa bahay nila Regz.. Gabi na ng dumating kami sa kanila at nasa loob na ng bahay nila yung mama at papa nya pati mga kapatid kaya nahiya na akong pumasok para mag-bigay galang. Natulog kami sa kwarto nya doon sa kabilang bahay kung saan sya madalas natutulog. Bahay daw iyun ng uncle nya na nasa abroad, kasama nya dun yung kapatid nyang babae. Dahil hindi pa rin kami inaantok ay nagpunta muna kami sa Robinsons. Doon kami kumain ng hapunan sa isang restaurant. "IT park" ata ang tawag nila sa lugar na iyon.
Ito ang inorder ko:
Hindi sya ganun ka extra ordinary pero pwede na rin at least may lasa naman kumpara sa pagkain sa resort.
After kumain ay nagkape kami sa isang coffee shop na malapit sa Mcdo at umuwi na rin kami after.
Natulog na kami pag uwi ng bahay, pero sa hindi inaasahang pagkakataon (actually inasahan ko talaga 'yon. lolx) ay may bagay pa kaming ginawa bago natulog:
*censored* *rated SPG* *Adult Contents* ganern! hahahha
e ano naman? baka kami naman diba? hahaha
natulog na kami pagkatapos nun, Promise! wala ng kasunod. :P hahaha
To Be Continue.. . (Final Part Up Next)

No comments:
Post a Comment
Thanks for your comment. I'll be glad answering you soon. ;)