![]() |
| Luto ni Regz. yummy <3 |
Yes, marunong siya magluto at ang sarap po. promise. Pwede ko na talga syang pakasalan anytime. Totoo nga pala na: the best way to a man's heart is through his stomach kasi nakuha nya ang timpla ng puso ko. :P (okay. ..waley na naman.. hahaha)
At bandang alas sais ay nagpaalam na ako, syempre ang kulturang pinoy ay hindi nawawala sa akin, nagmano ako mama at papa nya at nagpaalam na para umalis at nagpasalamat na rin.
Hinatid ako ni Regz sa airport, at ganun ulit ang ginawa namin hindi na sya bumaba ng tricycle para hindi na sya mahirapang sumakay at ako naman ay pumasok na ng airport.
![]() |
| PAL. susyal diba? lolx |
11PM na nang makabalik ako ng Manila at wala ng traffic kaya naman mabilis na ako nakauwi.
Walang pagsidlan ang aking kaligayahan habang ako ay pauwi dahil ang tagal ko nakasama si Regz.
Hindi na ulit nasundan ang pagkikita namin simula noon. Binalak naming mag Baguio noon November 24 pero dahil sa kakulangan ng budget ay minabuti na lang naming kanselahin ito.
Kaya naman bumawi ako sa kanya noong monthsary namin, kinuntsaba ko si Rolyn at Joy para ibili si Regz nga favorite nyang Chocolate, Snickers tapos nagpadeliver ako ng 3 pieces of Rose with mini teddy bear and 3 bar of chocolates sa Island Rose. Sa opisina pa nila miso ko pina deliver kaya mas lalo syang kinilig na may mensaheng:
Knowing you is like Ms. World - it has a purpose.
having you is like being a Ms. Universe -its both an honor and a responsibility
but loving you is like Pia Wurstback - its confidently beautiful with a heart.
I love you. #R
Pinagisipan ko talagang maigi yan, kasi espesyal yan para sa espesyal na tao.
Tuwang tuwa sya kaya akala ko okay na ulet nakabawi na ako.
Text, Tawag, skype, Facebook Messenger, instagram at twitter, yang ang aming communication. Halos gabi gabi din naman kami naguusap kaya parang hindi rin kami magkahiwalay.
Pero totoo palang, you can never too happy in this life. Kapag naging masaya ka asahan mo na darating at darating ang panahon na may lungkot kaya dapat handa ka.
Isang araw naguusap kami ni Regz, at nakwento ko sa kanya na napaginipan ko si Jona.
R: Loves, alam mo napanaginipan ko si Jona kagabi. nakayakap daw ako sa kanya tapos bigla kang dumating tapos binitawan ko raw sya at ikaw yung niyakap ko.
Regz: Ganun ba? alam mo mahal mo pa sya. Pinag aralan namin yan sa Psychology dati. kapag daw napapanaginipan mo ang isang tao ibig sabihin palagi mo syang naiisip at may feeling ka na hindi mo masabi kaya lumalabas sa panaginip.
Nabwisit ako kasi bakit ganun ang sinabi nya? Sa totoo lang wala na akong nararamdaman kay Jona matagal ng panahon at bahagi na lang sya ng nakaraan ko pero bakit nya iniinsist yun?
R: Pwes, mali ang analyze mo.
Regz: Hindi ko naman sinasabing tama ako, sinishare ko lang yung napagaralan ko.
R: Pwede ba?
Regz: Sorry, nagsheshare lang naman ako e. napapansin ko kasi nagiba ka na.
Sa mga oras na iyon, yung mga salitang "nagiba ka na" ay ang mabilis makapag painit ng ulo ko. Kasi lagi nya sinasabi na nagbago na ako, samantalang wala naman nagbago sa akin. Ganun pa rin nama ako. Ang taas taas na kasi ng expectations nya sa akin at sa taas nito hindi ko na maabot, kaya iniisip nya nagbago na ako pero ang totoong never ako nagbago.
Naging big issue sa aming dalawa ang pangyayari, at lumala ng lumala, hangang sa, nagdesisyon na kaming mag cool off. Ang sakit lang kasi nagsimula sa napaka walang kwentang bagay ang lahat. Ilang araw after ng cool off tumawag ako sa kanya para makipag ayos kasi hindi ko kaya na mawala sya. Hindi ko na kayang mawala sya pero hindi sya pumayag, humingi sya ng time, aayusin lang daw muna nya ang sarili nya pero napagkasunduan naming babalik sya at maghihintay ako kaya nabuhayan ako ng loob na magkakayos pa ulit kami.
Makalipas ang ilang araw habang nagbabasa ako ng mga twits sa feeds ko nabasa ko ang mga twits
nya:
Bilang isang naghihintay sa kanya, at wala akong balita tungkol sa kanya. Malinaw ang usapan namin na magbabalikan kami tapos ganyan? Diba ang sakit?
Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na magtwit in response:
Nabasa nya ito at nag send sya ng DM sa twitter and sabi nya:
"Wala ka talagang tiwala" - sabay block sa account ko pati IG at sa Facebook messenger.
Sa aking palagay, hindi issue ng tiwala ang mga twits ko, ito ay issue ng pagiging tapat sa pinagkasuduan namin. Ang alam ko may kasunduan na kami pero bakit may ganyan? sino ang tintutokoy nya? Bakit sa halip na magpaliwanag ay lumayo pa sya at sinigurado pa nyang hindi ko sya masusundan. Handa naman akong maniwala sa kanya e, bakit sya tumalikod? :(
Hinayaan ko na lang ang mga pangyayari, sa tingin ko kailangan nya ng oras para magkapag isip.
Ilang araw, linggo din ang lumipas, malapit ng magpasko pero wala pa rin sya wala ako balita sa kanya pero patuloy pa rin ang mga post nya sa facebook at twitter ng mga misteryosong tao na sigurado namang hindi ako.
At nagsimula na akong kainin ng galit ko. December 18 noon minessage ko sya gamit ang account ng common friend namin. Nakipag ayos ako kasi hindi ko na kaya, miss na miss ko na sya at gusto ko na sya ulit makasama pero tumangi pa rin sya.
Sabi nya, nagusap na tayo tungkol jan diba? I still love you at babalik ako in time
Napaka unfair, bakit nya nagagawa sa akin ang mga bagay na iyon samantalang wala naman akong malaking kasalanan sa kanya. Feeling ko namamalimos ako ang pagmamahal sa kanya. Naalala ko pa nga yung ex nya, niloko sya noon ng maraming beses, nagcheat 'yon ng maraming beses pero ni minsan hindi nya binlock sa kahit saan tapos ako dahil lang sa misunderstanding makukuha nyang iblock sa lahat? Deserve ko ba? :(
at dahil punong puno na ng galit ang puso ko minessage at inaway ko na sya ng tuluyan sinabi ko na
huwag na syang bumalik dahil mas gugustuhin ko na lang maging single kaysa na paasahin nya ako sa wala at saka wala naman syang reason to leave me in the first place. Kinalimutan kong may pride ako pero parang hindi nya nakikita. At sinabi ko rin na hindi ako naniniwala sa cool off cool off na yan, Its just another way of saying, diyan ka muna, lalandi muna ako sa iba kapag hindi nagwork babalik ako sayo,. thats too much. Please spare me from such stupidity.
At isa pang masakit na sinabi ko ay ang pagkukumpara ko sa kanya sa Ex ko bilang mangagamit. Iniisip pala nya, kaya ko sanabi ng mangagamit sya e dahil may utang sya sa akin wherein hindi naman iyon ang nasa utak ko ng mga oras na iyon. Ang tinutukoy kong pangagamit ay ang pagamit nya sa akin para makalimutan nya yung ex nya, 'yon bang para akong naging panakip butas kaya ko sinabing mangagamit sya.
Nagalit sya ng sobra dahil sa mga nabasa nya, sobra naman daw ako manghusga dahil lang sa utang nya e huhusgahan ko na daw agad sya.
dahil punong puno ako ng galit ng mga oras na iyon ay hindi ko na pinansin ang iba pa nyang sinabi maging ang iwasto ang mali nyang pag unawa sa sinabi ko sa halip nagreply na lang ako ng
no longer my concern.
at maya maya pa ay binlock na rin nya ang account na iyon. Mukang ganun yata talaga ang scape goat nya, ang mamblock kaya hinayaan ko na at hindi ko na rin sya ulit kinausap pa.
Noong mahimasmasan na ako ay sumanguni ako sa kaibigan ko, kung tama ba ang ginawa ko. Sabi nya, hindi ako mali in way kasi lumaban lang daw ako, ika nga e "nagmaganda" at first time ko ata iyun kung hindi sya nagkakamali kaya okay lang daw iyon. Ang malungkot nga lang daw hindi iyon ang normal na ako.
Kaya muli kong inanalyze ang mga pangyayari at sarili ko: galit ako sa kanya pero ang mga sinabi ko ay hindi na makatarungan at medyo sobra nga ito, kaya naman nagisip ako ng paraan para makapag sorry kay Regz ng personal. December 25 noong umpisahan kong isulat ang lahat ng gusto kong sabihin pero pinalipas ko na muna ang pasko at bagong taon bago ko isinakatuparan ang lahat sa tulong nila Joy.
After new year tinawagan ko ulit si Joy, para humingi ng tulong upang makausap ko ng personal si Regz, Noon ay nabalitaan kong may bago na pala si Regz kaya naman mas lalo akong nabuhayan ng loob kasi at least masaya na sya ulit. May nagpapasaya na kasi sa kanya ulit.
January 5 palang booked na ang flight ko for January 13 plan namin at noon palang ay buong buo na ang loob ko na gawin ang lahat ng pwede kong gawin para makapag sorry kay Regz.
January 13, nagpunta ako ng Laoag ng hindi alam ni Regz, sinadya ko itong hindi ipaalam, kasi natatakot ako na kapag nalaman nya ay umiwas sya at hindi nya ako kausapin.
5:35PM
Lumapag sa Laoag International Airport ang eroplanong sinasakyan ko galing ng Manila. Mabuti na lang nag OT sila Regz sa opisina nila at 6PM pa sila nakapag log-out. Sumakay ako ng tricycle mula airport hangang Laoag City. Bumaba ako sa may Puregold para bumili ng paborito nyang chocolates bilang peace offering ng bandang 6PM na. Katext ko sa mga oras na iyon si Joy.
R: Joy, andito na ako sa may Puregold, may bibilhin lang ako sandali.
Joy: Hala. papunta rin ako dyan. hehe
R: Hala. kasama mo si Regz?
Joy: otw na sila sa kasera.
Nang mabasa ko iyon ay dali dali na akong lumabas ng Puregold para pumunta na sa apartment nila at dahil dun di ko na nabili ang chocolates na peace offering ko sana.
R: Sige papunta na ako dun.
Joy: Sige text mo ko kapag andun ka na.
Sumakay ako ng tricycle papunta sa apartment nila. Nang bumaba ako ng tricycle ay andoon na si Charlie at hinihintay ako.
Sa mga oras na iyon nasa kwarto si Regz, nagla-laptop.
Alam kong praktisado na ako sa mga sasabihin ko at sa mga inaasahan kong mangyayari pero noong tumapak ako sa loob ng apartment nila ay bigla lumakas ang kaba ng dibdib ko, iyong takot na takot ako, pinilit kong kalmahin ang sarili ko dahil hindi ako pwede magpadala sa takot. Paulit ulit kong binabangit sa sarili ko bago ko hinawi ang kurtina para makapasok sa loob ng kwarto nila:
R: Keep calm Rodel, pinraktis na natin ito ng maraming beses, huwag kang lalayo sa speech mong sinulat para di ka malito sa sasabihin mo.
Bago pa ako tuluyang pumasok ay humingi ako ng basbas sa taas,
R: Lord, Kayo na po ang bahala.
at tuluyan ko nang inihakbang ang aking mga paa patungo sa loob ng kwarto at lalong lumakas ang kaba ng dibdib ko,
Pagpasok ko, nakahiga si Regz, at nakapatong sa dibdib nya ang laptop at natatabunan ang muka nya kaya hindi nya napansin kung sino ang pumasok. 'Pagpasok ko lumapit ako ng konte para makita nya ako at nagulat sya nang makita nya ako. Hindi sya makapag salita na parang totally speechless sya.
Regz: Ikaw. Nandito ka.
Ang tanging nasambit nya sabay upo sa kama nya at baba ng laptop habang nakatingin pa rin sya sa akin at wala pa ring masambit na salita. Ako naman ay nagsimula ng kainin ng emosyon ko at hindi ko na napigilang umiyak lalo na noong simulan ko ng basahin ang mga gusto kong sabihin. Nakatingin lang sya sa akin habang hinahanda ang sarili nyang makinig, samantaalang halos hindi ako makapag basa ng maayos dahil sobrang naiiyak ako. Lalo na kapag naiisip ko ang mga ginawa ko, ang mga masasakit na salitang nasabi ko sa taong kaharap ko ng mga oras na iyon.
Regz: Ako na lang magbabasa. (ang nasambit ni Regz na tila niiyak na rin)
R: Hindi ako na lang.
at sa wakas ay naumpisahan ko nang magbasa. Habang nagbabasa ay iyak pa rin ako ng iyak at ilang pangungusap pa lang ang nababasa ko ay mabilis na pumunta sa akin si Regz at niyakap ako na lalong nagpahagulhol sa akin dahil naramdaman ko na ang pagtangap ni Regz sa sorry ko. Matagal bago namin binitawan ang isat isa, sa totoo lang parang ayoko na sya bitawan dahil miss na miss ko na ang yakap na iyon pero kailangan ko tapusin ang sasabihin ko at kailangan ko hindi ako lumayo sa plano.
Binitawan namin ang isat isa at nagpatuloy ako sa pagbasa. Nakapaloob sa sulat na iyon ang mga nangyari at ang mga kasalanan ko na gusto kong ihingi ng paumanhin. Nakapaloob din doon ang lahat ng hinanakit ko at lahat ng hindi ko nasabi noon.
Hindi na nabigyan ni Regz ng linaw ang mga hinanakit ko pero para sa akin okay lang iyon, besides hindi naman ako nagpunta dun para sumbatan sya kundi para humingi ng tawad sa nagawa ko.
Matapos kong magbasa ay inihanda ko ang sarili ko sa magiging tugon nya dito at tulad ng inaasahan ko nasaktan ko sya ng sobra sobra.
Regz: Alam mo noong mabasa ko yung sa IG, hinyang hiya ako sa sarili ko.
at nagsimula na syang humagulgol, ramdam na ramdam ko ang awa nya sa sarili nya at ang sakit makita na ganun ang nararamdaman nya.
". .sabi ko, Ganun ba akong tao? (pagpapatuloy nya) kasi, wala pang nakapag sabi nun sa akin sa buong buhay ko, kahit sino."
R: Hindi ka ganun Regz
Regz: Nasabi mo na e.
R: dahil galit na galit ako.
Sa tagpong iyon, parang gusto kong saktan ang sarili ko, napaka sakit nga naman marinig sa taong akala mo inirerespeto ka at minamahal ka ang mga salitang below the belt na.
Regz: Pero naisip ko rin, nasasabi lang naman nya yun kasi galit sya.
Sa totoo lang, pagdating sa written statements kahit ako hindi ko matangap sa sarili ko na napaka sharp ng mga salita ko kapag nagsusulat ako ng statement. Yung bang may halong kayabangan na parang ang galing galing ko lalo na kapag galit ako. Hindi ko na iniisip ang mga salitang ginagamit ko at ang masakit pa nun, pati si Regz ginamitan ko ng ganung taktika.
Regz: Hindi ko naman na mababago yun e.
R: Oo naman, pero pwede ko pang itama ang lahat. Kaya ako nandito ako Regz, para itama ang lahat.
Makalipas ang ilang sandali ay ini-abot ko sa kanya ang kaunting peace offering ko sa kanya. Ang totoo dapat Christmas gift ko sa kanya iyon pero hindi ko sya naipadala dahil alam kong galit pa sya.
Pinilit ko syang buksan ito para makita ng mga mata ko ang magiging reaction nya kapag nakita nya ang laman nito at hindi naman ako nabigo, binuksan nya ito at nagustuhan naman nya, pinicturan pa nga nya ito kasama ang isang box ng Jco Donuts na binili ko para sa kanila.
Regz: Hindi mo naman kailangan gawin to.
R: No, kailangan kong gawin to para mawala na ang guilty feelings ko.
Regz: Pwede mo naman ako tawagan.
R: Ayoko, gusto ko makita mo ang reaction ko habang sinasabi ko ito, kapag sa tawag kasi pwedeng e-fake ang emotion.
Sa huli nauwi din sa isang mainit na yakap ang lahat at habang yakap yakap ko sya ay nasambit nya:
Regz: Sana kahit di na tayo magkaibigan pa rin tayo ha.
Sa tagpong iyon, natuwa ako kasi sa wakas. tagumpay ang plano. Nagtagumpay ako, hindi lang sa pagsasagawa ng plano, sa halip nakuha ko rin ang kapatawaran nya.
R: Uu naman.
Maya maya pa ay dumating na si Joy, at sabay sabay na kaming lumabas para mag dinner.
Kumain kami sa isang Indonesian Restaurant na "Sate" ang pangalan . malapit sya sa Robinsons Ilocos Norte.
The foods are really good, and we enjoyed them a lot plus a good talk with the owner of the restaurant who is actually a pure Chinese but born and raised in Indonesia.
kaya naman ang ending..
Cheers for the start of the new Beginning of Friendship :)
Matapos ang hapunan nagcoffee frappe pa kami sa isang coffe shop na malapit lang doon sa lugar.
at matapos doon ay sabay sabay na kami umuwi,
Hinantid namin si Rolyn sa sakayan at nang makasakay na sya ay sumakay na rin kami ng tricycle papuntang Farinas Bus Station.
Pagdating sa Bus station 11:15PM na. Nag inquire ako ng byahe pabalik Manila at 11:30 daw ang alis. Bumalik ako sa kinaroroonan nila Regz at nagpaalam na ako kay Joy, Charlie at syempre kay Regz.
R: Sakay na kayo.
Joy: Sakay ka na muna.
R: Osige.
At tumalikod na ako para sumakay sa Bus.
R: babye (sabay wagayway ng kamay).
Pagakyat ko sa Bus, inilagay ko ang earphone sa tenga ko. pinindot ko ang play button at biglang tumunog ang kantang "In My Dreams by REO Speedwagon".
Hinanap ko agad ang upuan ng mga hindi nag pa reserve at sa bandang likuran na ito, sa bandang dulo ng Bus ay may natanaw akong isang magandang babae na nakatingin sa gawing kinatatayuan ko na parang may hinihintay. Maputi sya na lalong pinaputi ng gabi, mahaba ang buhok nya at mapupula ang labi at mukha syang mabango. Kamuka sya ni Jessie Mendiola. Mga tipong nasa 24-27 year old siguro sya at may hawak syang cellphone. Sa tapat nya sa kabilang upuan ay may nakaupong lalaki na parang inaawat ang dalawang batang nagaaway. Napatitig ako sa magandang babae at napatingin din sya sa akin. Nginitian ko sya at gumanti sya ng ngiti kaya bumilis ang tibok ng puso ko. Iniwas ko ang tingin ko at tumingin ako sa number ng upuan. Sakto naman na sa tabi nya ako uupo. Muli kong tinignan ang babae at nakatingin pa rin sya sa akin at dahil tila ang gwapo gwapo na ng tingin ko sa sarili ko ng mga oras na iyon ay kinindatan ko ang babae. Natawa sya at bahagyang tumungo (nod) sabay lagay ng buhok nya sa likod ng tenga nya na parang bang kinikilig. Hindi ko na napansin na hindi na pala ako umuusad. Hangang sa.
PPPAAAKKKK!!
Isang malakas na sapak mula sa likod ang naramdaman ko sa pisngi ko.
Kath: Kuya!!! Kuya!!! Kuya!!! Gising!!! Hoy!!! Binabangungot ka na naman.
R: Aray!! grabe!! ang sakit naman ng sapak mo. Mas masakit pa dun sa panaginip ko.
Kath: e kanina ka pa umuungol dyan. Kanina pa kita ginigising di ka magising gising. Akala ko dadalhin na kita sa ospital e.
R: Ha? nananaginip lang ako?
Kath: Bakit saan ka ba nangaling?
Tumingin ako sa oras. ala-una na ng hapon at biglang bumalik sa alala ko ang lahat.
Alas kwatro na nga pala ako nakatulog kaninang madaling araw kasi di ako dalawin ng antok, salamat sa pinsan ko kasi tinuruan nya akong magbilang ng tupa at nakatulong para makatulog ako.
Bumangon na ako at uminom ng kape habang iniisip ko ang panaginip ko. parang totoo e, parang nangyari talaga. Si Regz, si Rolyn, si Joy, si Charlie, si kuyang tricycle driver, ang babaeng maganda. Sino sumapak sa akin? Nakakalito pero ang saya ng puso ko kasi parang ang luwag luwag ng pakiramdam ko.
Sabado noon kaya walang pasok kaya matapos magkape ay kumain ako at nagsimulang isulat ang panaginip ko.
Minsan kapag galit tayo kung ano ano ang nasasabi natin na minsan hindi naman natin sinasadya. Kapag galit ang isang tao prone talaga tayo sa gulo, sa away at pagkakamali lalo na sa mga sinasabi natin kaya naman minsan nasasabi natin ang mga bagay na hindi naman talga natin gustong sabihin at marerealize na lang natin kapag humupa na ang galit natin. Bakit nga ba natin ito nagawa o nasabi at saka natin marerealize kailangan nating humingi ng tawad dahil hindi maganda ang ginawa natin at iyon ang naging realizations ko kaya naman ginawa ko ang lahat pata itama ang lahat ng mali sa panaginip na iyon.
Totoo nga na hindi lahat ng taong dumadating sa buhay natin ay nag e stay. 'yong iba dumarating para turuan tayo ng leksyon. Hindi rin natin pwedeng pilitin sila nag mag stay kung talagang hindi sila itinadhanang mag stay sa buhay natin pero ganun pa man tuloy pa rin ang buhay sabi nga ni Bob Ong sa kanyang libro:
"nalaman ko na habang lumalaki ka maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulet o hindi magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo at mauubos ang oras"Madapa man tayo sa buhay, tuloy lang hindi naman titigil ang mundo dahil lang iniwan tayo ng taong minahal natin. Nangangahulugan lang iyon na tapos na ang papel nila sa buhay natin kaya sila umalis. Kumbaga sa libro ibang chapter na at hindi na sila kasama sa bagong chapter na ito. Ika nga ni Zayn Malik:
“There comes a day when you realize turning the page is the best feeling in the world, because you realize there's so much more to the book than the page you were stuck on.”Sa pagibig wala namang tamang formula na pwede natin sundin dahil bawat storya ng pagibig ay ibat iba ang formula, para itong finger print na bawat tao ay may unique identity. Pero laging nating tatandaan na bagamat walang concrete formula ang pagibig ay mayroon namang mga tamang gabay na pwede nating sundin. Andyan ang experiences ng ibang tao, ang mga payo ng magulang o ng mga kaibigan at ng nakatatanda. Sabi nga:
At para mas lalo tayong matulungan pag dating sa love sundin natin ang mga sumusunod na payo:
Listen to your elder’s advice, not because they are always right but because they have more experiences of being wrong
Pictures courtesy of http://www.filipiknow.net/
"Yesterday is history. Tomorrow is a mystery. Today is a gift. That's why it's called the present.”
“Life isn’t a music player where you choose what to play, it is a radio where you have to enjoy what's being played.” - Zayn Malik
Lets all live today!!
Salamat sa Pagsubaybay.
Mga nagsinaganap:
R -------------- Arvind Santos (yung PBA player ng San Miguel Beerman, number 29 ang jersey nya)
Regz ---------- Regina Spectator (Yung kumanta ng Samson)
Joy ------------ Joy To Theworld (Yung madalas marinig kapag Christmas sa mga bata)
Rolyn --------- Rolyn IntheDeep (Yung kanta ni Adelle)
Charlie ------- Charlie Putha (yung singer na kumanta ng OST ng Furious 7)
Driver -------- Basta Driver Sweet Lover (Yung quote sa mga Jeep)
Kath:---------- Kathrine Burdado (Yung gumanap na Yna Macaspac sa remake ng Pangako Sayo)































