Sunday, December 11, 2016

LOVE doesn't hurt. Expectations and betrayal does!


Sa buhay natin, may mga pagkakataong dadaan tayo sa mga pagsubok na iisipin nating parang wala ng katapusan. Minsan pa nga sa sobrang mapagbiro ng tadhana, sinusubok nya ang pinaka mahinang parte ng buhay mo. Iyon bang kung saan pa iyong bagay kung saan ka pinaka mahina e doon ka pa madalas atakihin ng tadhana na para bang nananadya. Nakakainis diba, pwede ka naman nyang atakihin sa ibang bahagi ng buhay mo doon sa kabisadong kabisado mo na. Iyong tipong may laban ka. Iyong patas kang makakalaban. Iyong tipong kahit matalo ka maluwag mong matatangap na ginawa mo na lahat ng kaya mo.

Pagibig, iyan ang isa sa pinaka mahinang parte ng buhay ko kaya madalas ito rin ang bagay na nakakapagpapatak ng luha ko. Kaya naman kahit paano pinagaaralan ko na rin na labanan ang mga pagkakataong pinahihirapan ako ng pagibig. 

Sometimes, its better for two persons to break so they can grow up. It takes two grown ups to make the relationship work.

Pero siguro nga, ina allow ng Diyos na mangyari iyon for a single purpose na gusto Nya na maging handa ka sa buhay ano mang pagsubok na dumating. Yung tipong kahit anong pagsubok na ibigay Nya e kayang kaya mong harapin. Gusto ka Nyang maging malakas sa lahat ng aspeto kasi sabi nga sa Bible:

1 Corithians 10:13 (NRSVCE)
God is faithful, and he will not let you be tested beyond your strength, but with the testing he will also provide the way out so that you may be able to endure it.

Kaya dapat nating pasalamatan ang Diyos sa lahat ng nangyayari sa atin maging pagsubok man ito o hindi. Ito ay nagpapatunay na ang Diyos ay buhay na buhay at hindi Sya nakakalimot. He is working night and day to ensure that we are on the tract that He prepared for us.

#GodisInControl #NoLoveLifeNotaProblem #AlphaandTheOmega #1Cor1013

No comments:

Post a Comment

Thanks for your comment. I'll be glad answering you soon. ;)