Nanaginip ako noong Sunday [March 26, 2017] ng madaling araw, sa panaginip ko, ako raw ay nasa aming hometown sa Oriental Mindoro, sa tingin ko ay parang pagabi na iyon, yung kasalukuyang kinakain ng dilim ang liwanag. Nakaupo daw ako sa gilid ng kalsada sa centro ng aming barangay. Nakikita ko yung malalaking puno ng gemelina sa bandang kanan ko pero silhouette lang po kasi madilim pero alam ko gemelina ang mga puno na iyon. Tapos maya maya biglang may mga evil spirits na naglapitan sa akin. may galing sa taas tumingala pa nga daw ako at nakita ko na may pakpak, ma galing sa likuran ko at sa gilid pero sa harap po wala naman. Tapos bigla ko daw naisip na magrosary, kinuha ko daw iyong rosary sa bulsa ko at nagdasal ako at nang magdasal na ako, biglang kasama ko na daw aking ina at kaming dalawa ang nagdasal.
Malinaw na malinaw sa isip ko na nag Apostle's Creed ako, Our Father at tatlong Hail Mary at isang Glory Be to the Father. Tapos habang nagrorosaryo daw ako ay lumalayo daw ang mga evil spirits pero kapag tumitigil ako lumalapit sila ulit sa akin kaya tinuloy tuloy ko lang ang pagrorosaryo. Minsan nabubulol ako sa mga salita ng dasal kaya lumalapit sila ulit pero hindi nila ako mahawakan malapit lang sila sa akin at bigla akong nagising.
Ang weirdo lang kasi alam kong ang panaginip ay manifestation lang ng mga iniisip at nais natin sabihin sa personal pero hindi natin masabi kaya lumalabas sa panaginip kaya nagtatak ako kasi parang wala naman akong iniisip na katulad ng sa panaginip ko pero bakit mayroong akong ganitong panaginip.


No comments:
Post a Comment
Thanks for your comment. I'll be glad answering you soon. ;)