Friday, June 16, 2017

HOW TO MOVE ON by Jam Sebastian

HOW TO MOVE ON:

Simply remove the L from LOVER and realize its OVER! Charot!

Iba iba ang mga experiences natin, hindi ko pwedeng ikumpara ang mga pinagdaanan ko sa inyo dahil iba iba ang tao at lahat ng relationship ay magkakaiba din. Isa lang pwede ko sabihin, lahat tayo ay nasasaktan, magkakaiba man ng sakit, bottomline: MASAKIT. Yung tipong ang sarap ng pagkain sa mesa pero kahit anung gawin mo wala kang gana kumain. Yung tipong parang gumuguho na ang mundo mo kasi iniwan ka na ng taong ginawa mong mundo for the longest time. Yung tipong lahat ng plano mo kasama sya pero ngayon nag paplano na siya kasama ang iba at ikaw naman nag paplano na lang mag isa. :(

Well, gusto ko lang malaman mo, na hindi ka nag iisa, halos lahat ng nagmahal ng totoo ay nasasaktan ng mabigat sa hiwalayan. Walang madaling paraan! Hindi mo makakalimutan lalo na ang mga masasarap na ala ala at lalo naman hindi mo makakalimutan ang taong minahal mo ng sobra.

Ang dapat mong gawin? Mahalin mo ang sarili mo. Appreciate mo ang mga maliliit na bagay. Ibuhos ang attention sa mga bagay na hilig mo. Tawagin mo ang mga kaibigan mo, sumama ka sa kanila, kahit hindi na sila magpayo, yung presence lang na may kasama kang kaibigan ay comforting na. Andyan ang pamilya mo na pwede mong pagbuhusan lahat ng pagmamahal mo. Tandaan, hindi solution ang uminom, magpakaadik, maglaslas o in some cases, GUMANTI at maghanap din ng kapartner. Lalo mo lamang pinapabigat ang problema mo, in the end mas lalo pang magiging komplikado.

Learn to appreciate life. Alam mo na ngang iiyak ka at magmumokmok kapag narinig mo ang theme song niyo, bakit mo pa ipaplay yun? diba? haha! Umiwas sa mga bagay na malapit sa kanya. Kahit sa mga kaibigan niya, umiwas ka muna. Wag ka ng mag STALK sa mga accounts niya, kung nag decision kang mag MOVE ON. Dapat diretso at walang likuan. Wala ka ng pakielam kung may iba na siya, kung may pinakilala na siyang iba sa mga friends at family nya. Lahat ng worst isipin mo na at tanggapin mo na. Dahil yun nga. WALA KA NG KARAPATAN :(

Huwag mo din sabihin na "WALA KA NG MAKIKITANG KATULAD KO" dahil magmumukha ka lang tanga! :) Hindi totoo yun. Haha! Lalo mo lang pinaitim ang puso mo sa pag iisip ng ganun. Naging masaya ka rin sa kanya kahit papano at talagang nagmahalan kayo bakit hindi mo na lang isipin na talagang may nagkakatuluyan at meron din namang hindi. Lahat ng mga natutunan mo sa kanya dalhin mo at lahat naman ng ayaw mo sa relationship niyo ay iwanan mo at baguhin sa susunod mong ka partner.

Maniwala ka na may taong darating na para sayo talaga. Hindi man siya kasing pogi/ganda o yaman ng EX mo, hindi mahalaga yun dahil kung yan lang ang basehan mo, ikaw ay MATERIALISTIC. Iba pa rin yung nararamdaman mo yung chuvachuchu. Haha! Huwag kang maghanap dahil kusang dadating yan basta maniwala ka :) Enjoy mo buhay mo bilang single, sa ganitong paraan mas lalo kang mag ggrow as a person at makikita mo ang buhay in different aspects. :)

Take a break, tama yung 3 months rule o minsan higit pa. Hanggang hindi nag heheal ang puso mo, relax ka lang at huwag mag madali. Hindi ka mauubusan :)) Isa pa, hindi kayo pwedeng maging magkaibigan ng EX mo MUNA. Take note: MUNA. Pwede kayo maging kaibigan paglumipas na ang pagmamahal at sakit pero yung agad agad ay isang malaking KALOKOHAN! :) o siguro hindi talaga kayo nagmahalan :)

Pinaka importante na isentro mo ang buhay sa tama at sa Diyos dahil hindi mo yan kakayanin mag isa. Kung isusuko mo sa kanya yan, giginhawa ang pakiramdam sa puso mo. Huwag kang matakot magmahal ulit, dahil napakasarap magmahal. Kung takot ka dahil baka masaktan ka ulit bukas ay mangyayari talaga yun dahil unconsciously youre assuming that its gonna happen. :)

Huwag mong isipin na nagpapagwapo/ganda ka para pagnakita ka nya matatakam siya. Haha! Hindi ganun yun! Uulitin ko, kung gusto mo talagang mag MOVE ON ito ay para SAYO at hindi para sa iba. Hindi lang to lesson sa pag move on, tinuturuan din kita kung paano mo makita ang ganda ng buhay. :) Pag nagawa mo yan, tatawanan mo na lang ang mga pangyayari at sasabihin sa sarili mo "ANG GALING! NAKA MOVE ON NA PALA AKO" at ready ka na ulit pumasok sa isang commitment na mas matibay ka na, mas alam mo na gagawin, mas mature at mas maganda ang outlook sa buhay. :)

Remember:

"Focus on being a better you instead of looking for someone better than your ex. A better you will attract a better next."

DON'T BE BITTER, BE BETTER.

How can you moved on from the past,if your past is still your present?? -Liezl Aleman



How can you moved on from the past,if your past is still your present?? 

Ang gulo no? Tapos itinanong pa sa akin noong kaibigan ko.  Binigyan pa ako ng problema. Charot lang! hahaha
Noong una, naguluhan talaga ako kasi parang contradicting naman, kasi kung ang past mo ay present mo pa, ibig sabihin di ka pa nakakamove on at wala pa talagang past.
Sa puntong yan siguro sa aking palagay, may isang bagay na kailangan muna nating ayusin o alisin at iyon ay ang:

,if your past is still your present

 upang sa ganun maiwan lang yung tanong na:

How can you move on from the past?

Mas madali kasing sagutin at gawan ng paraan ang tanong na iyan kung wala na yung ,if your past is still your present.

Pero syempre ang susunod na tanong ay paano ba natin aalisin ito?
Madali lang naman, matulog ka lang ng maaga at sigurado bukas wala na yan. Pangako.
Oh naniwala ka naman agad sa pangako? Kaya ka naloloko e, ang dali mo maniwala sa pangako. Charot lang ulit. Hahaha

Pero seriously, walang madaling paraan para gawin ito ng hindi ka nasasaktan. Walang ibang paraan na pwede mong gawin na hindi ka magsasakripisyo. Ganun naman talaga diba, kung gusto mong guminhawa kailangan mo magdanas ng hirap.

How to remove your past from your present?

Acceptance – Iisang salita yan, pero napaka daming kahulugan at nakapa hirap gawin. Ganun pa man, sabi nga sa kantang “Keep Holding On” ni mareng Avril Lavigne, “there’s no other way when it comes to the truth”. Totoo naman yun kung gusto mo talagang alisin ang nakaraan mo, kailangan mong pumanig sa katotohanan. Anong katotohanan ang sinasabi ko?

ANG KATOTOHANAN NA WALA NA KAYO. WALA NG KAYO AT HINDI NA MAGIGING KAYO.

Ito ang unang hakbang sa pagmomove on. PAGTANGAP o TANGAPIN sa puso at isip mo ang lahat ng nangyari ay tapos na. Tangapin mo na walang permanente sa mundo. Kung dati mahal ka nya, ngayon HINDI na. Kung dati ikaw ang nagpapasaya sa kanya pwes ngayon HINDI na. Kung dati gigising ka na text nya ang mababsa mo, pwes ngayon hindi na. Kung dati hindi kumpleto ang araw mo ng hindi mo sya nakakausap o nakikita, ngayon hindi na. Dati halos araw araw nakikita mo sya ngayon hindi na dahil wala na sya, wala ng kayo at hindi na kayo at maaaring may mahal na syang iba, may iba ng nagpapasaya sa kanya.
Muli hindi ito madali, at hindi ito magiging madali pero ito lang ang tanging paraan para makapag simula ka ulit dahil hindi mo makikita kung gaano kaganda ang bukas kung ayaw mo umalis sa kahapon. Hindi mo maapreciate ang buhay na naghihintay sayo kung patuloy kang kakapit sa nakaraan. Patuloy mo ring pinipigilan ang sarili mong maging masaya. Mabuti kang tao at hindi mo deserve na magsuffer ka ng todo. Ikaw na nga ang sinaktan at iniwan tapos ngayon ikaw pa ang nag susuffer ng todo samantalang sya, masaya na may iba na. Unfair yun diba at patuloy itong magiging unfair hangat hinahayaan mong mangyari ito. Mahalin mo din ang sarili mo at tulungan mo ang sarili mong bumangon.
Balang araw marerealize mo na, may mas maganda palang kwento sa libro ng buhay mo kesa dun sa chapter kung saan hindi ka makaalis.

Sabi nila, kaya daw umaalis ang isang tao sa buhay natin ay dahil tapos na ang chapter ng buhay natin kung saan lang sila kasama. Parang FPJ Ang Probinsyano, namatay si Benie, si Carmen, si Ador, si Verna at si Juaquin kasi tapos na ang part nila sa kwento. Bigyan naman natin ng chance ang ibang character na ipakilala ang sarili nila at patunayan na karapat dapat din silang maging bahagi ng kwento ng buhay natin and who knows baka sila ang magiging kasama natin hangang sa katapusan ng kwento ng buhay natin pero hinding hindi ito mangyayari kung takot kang talikuran ang nakaraan.

Again ACCEPT that everything happens for a great PURPOSE that only a GOOD, GREAT and ALMIGHTY GOD knows which He will reveal to you later on..
Kapag nagawa mo na ang unang hakbang, doon palang masasabing handa ka na talagang magmove on kasi iisa na lang ang tanong.

How can you move on from the past?

Sigurado ako sa puntong ito kahit hindi ko na sagutin ang tanong na iyan ay maraming mga bagay na ang tumatakbo sa isip mo kung paano mo gagawin ang pagmomove on pero syempre kailangan masiguro muna natin na hindi ka na lilingon pa, na sure ka na talagang gusto mo nang umalis sa kulungan kung saan ka patuloy na nabubuhay.

FORGIVENESS. Ito ang sunod na mahalga sa lahat. Sinasabi ko sayo, hinding hindi ka makakamove on kung patuloy kang inaalipin ng galit sa puso mo. Hindi ka makakalis kung saan ka man huminto, kung saan man namatay ang dala dala mong ilaw kung hindi mo papatawarin ang dalawang tao. Una, ang sarili mo, pagaralan mo ng patawarin ang sarili mo. Nagmahal ka ng totoo, nasaktan ka, nagkamali ka ng desisyon sa buhay mo. Oo, NAGKAMALI ka, at walang ibang makakapagbago ng nararamdaman mo kundi kapatawaran.
Madalas kapag nakakagawa tayo ng malaking pagkakamali o nagkamali tayo desisyon sa buhay isinisisi natin sa ibang tao ang lahat pero hindi natin naiisip may kasalanan din tayo at ang masakit hindi natin alam kung paano papatawarin ang sarili natin kaya minsan sinasabi natin “Ano bang gagawin ko?” “Hindi ko na alam ang gagawin ko”. Kasi nga hindi natin alam kung paano patatawarin ang sarili natin.
Madali lang namn yun. Balik ka lang sa step one. Tangapin at aminin mo ang pagkakamali mo. Tangapin mo na minsan nagkamali ka ng desisyon, na nagmahal ka sa tamang panahon pero sa maling tao at tangapin mo rin na hindi sya ang itinakda ng Diyos para sayo. Kapag nagawa mo yan. Promise makakaya mong patawarin ang sarili mo kasi wala ka ng reason para hindi gawin iyon kapag tangap mo na ang lahat. Para kang nagloose ng 100lbs fat, ang gaan gaan. lol

Syempre hindi pwedeng sarili mo lang ang patawarin mo. Patawarin mo na rin sya. Nagkamali sya sayo at nasaktan ka nya. Tulad mo nagkamali din sya ng desisyon sa buhay kaya tulad mo deserve din nya ng kapatawaran kasi kahit pano naging masaya naman kayo together before. Hindi ko sinasabi na agad agad mapatawad mo sya ha. Hindi mo kailangang ibigay agad ang kapatawara sa kanya kung talagang hindi mo pa kaya lalo na kung sobarang laki ng kasalanan nya sayo pero at least bigyan mo ng puwang sa sarili mo ang pagpapatawad sa kanya para someday magigising ka na lang na napatawad mo na pala sya.
Kapag napatawad mo ang mga taong involve sa madilim na nakaraan mo, simulan mo namang imulat ang mga mata mo sa ganda ng mundo at ng buhay that will lead us to the next step.

Learn To Appreciate Things Around You – Simulan mo namang tignan ang kahit mga maliliit na bagay sa buhay mo. Yung simpleng ngiti ng pamilya mo, simpleng kumusta ng mga kaibigan mo. Yung mga bagay na ginagawa mo dati noong wala pa sya, simulan mong gawin ulit. Tignan mo yung mga kuko mo baka hindi mo pa napuputulan kasi sobra kang nadepress nakalimutan mo na. Manood ka ng series sa NetFlex o kaya comedy movies sa HOOQ. Tipong aliwin mo yung sarili mo sa mga simpleng bagay pero huwag naman yung magmumukha kang baliw na tatawa ka magisa. Pansinin mo ang mga bagay bagay sa paligid mo. Isang uri na rin yan ng pag divert ng attention at least hindi mo  na sya maiisip at iwasan mo na rin ang isipin sya. Divert your attention all the time.

Learn from your EXPERIENCE.
Tignan mo kung gaano kalaking damage ang naidulot sayo ng karanansan mo at doon ka magsimulang humakbang ulit. Isa, dalawa, tatlo, apat na hakbang hangang sa hindi mo namamalayan ang layo layo mo na pala ulit. Sa puntong ito, gusto kong maging matalino ka na lalo na kapag dumating na ang tamang tao para sayo. Dapat ipangako oo na sa sarili mo na kung ano man ang mga maling nagawa mo sa nakaraan ay hindi mo na uulitin kasi babalik ka na naman sa step 1. Gusto mo ba na lagi ka na lang babalik sa step 1? Dapat hindi, kasi mawawalang saysay ang nakaraan mo, ang experiences mo kung hindi ka naman natututo dito. Sabi nga, hindi masamang magdapa kasi ito ang magtuturo sayo ng tamang paraan at ito ang magdadala sayo sa tagumpay kasi natuto ka.

Sabi nila, Bakit daw hinahayaan ng Diyos na masaktan at madapa tayo ng paulit ulit? E kasi may isang bagay syang gusto Nyang ituro sa atin na paulit ulit din nating hindi matutunan. Kaya at the end of the day matuto tayo sa nakaraan natin.

LET GO and MOVE ON
At sa wakas nandito na tayo sa pinaka last na step.
After accepting everything, forgiving yourself, appreciating the world in a different perspective with positive outlook in life, learning from them, now its time to LET GO of the past. Actually sa step na ito, na let go mo na sya, pero gusto kong e emphasize sayo ang kahalagahan nito kaya ginawa ko itong isang step. Ito ang panahon kung saan, kahit hindi ka magsalita alam mo sa puso mo na tapos ka na sa madilim na kulungan ng nakaraan mo at bagaman hindi ka pa totally buo ulit ay nararamdaman mo na sa puso mo ang ganda ng Plano ng Diyos para sayo bukas. Yung puntong HINDI KA NA UMAASA. Yung nakakangiti ka na at kahit lumingon ka pa alam mong tatalikod ka rin ulit para harapin ang buhay mo na wala sya.
At higit sa LAHAT, always believe in the ULTIMATE PLAN of GOD for you. Huwag mo syang alisin sa mga gagawin mong dsisyon sa buhay mo at hindi ka na masasaktan pa. Pangako yan. Yan ang pangako na hindi ka masasaktan.
So Let Go and KEEP MOVING FORWARD.

Sana ay natulungan kita, dalangin ko na maging okay ka na isa sa mga araw na ito. Isang kang dakilang bayani kaya mabuhay ka sa perspektibong isa kang bayani at ang bayani ay MALAKAS at HINDI SUMUSUKO.

See you soon my friend.

Sincerely,

Rodel