Saturday, May 6, 2017

Sagada Adventure 2017

Para sa mga tulad namin na hindi naman gaanong nakakaangat sa buhay ay tila baga parang wala sa aming mga karapatang pantao ang magbakasyon kung saan-saang lugar na katulad ng mga ginagawa ng mga mayayaman.




Nooong bata pa ako, isa lang ang pangarap ko sa buhay at ito ay ang magtravel kasama ang buong pamilya ko, ang problema lang wala kaming pera para gawin iyon kaya naman pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko lang lahat para magawa ko iyon. Sa awa ng Diyos magig hangang sa kasalukuyan hindi ko pa rin ito nagagawa. Bukod sa wala pa rin akong pera para gawin iyon ay hindi na rin buo ang pamilya ko para mangyari pa ang gusto ko.

Pero ang article na ito ay hindi naman tungkol sa "life story" ko. Tungkol ito sa isa sa mga adventure ko na sa aking palagay ay malabo ko ng ulitin pa.

Noong April 28- May 1, 2017 ay napagkasunduan namin ng mga "college friends ko na umakyat ng "Sagada, Mountain Province". The place is more or less 400km away from Manila and around 13Hours trip.
Arvin (my Brother), Alex, Rodel, Carl
Shiela, Rodel, Fely at SM North EDSA

Isinama ko ang kapatid ko para kahit paano ay makita rin nya ang mga magagandang tanawin na kadalasan ako lang ang nakakakita kasi ako lang ang madalas na nagtatravel.



May isang bagay akong napatunayan at natutonan sa trip na ito to Sagada. Narealized ko totoo pala na may mga bagay na sa una lang masaya. Darating ang panahon na kung hindi ka man magsawa e, maiinip ka, mapapagod at magiiba ang timpla mo.

Sa sobrang tagal ng byahe namin from Manila to Sagada ay talaga namang napagod ako ng sobra, nainip at sadyang nagiba ang timpla ko dahil kulang na lang magsuka ako sa sobrang hilo.

After 14 hours, 9PM (April 28, 2017) to 11AM (April 30, 2017) nakarating din kami sa wakas sa Sagada.














First Day (Bomod-Ok Falls)
Sabi ng Tour Guide namin aabutin daw kami ng 3 hours back and fort para sa buong adventure. Iniisip ko sa Mindoro kapag ganun katagal e sobrang layo na talaga ng lalakarin namin kaya sabi ko sa sarili ko paguran ito ng bonga at nagsimula na nga kami maglakad.












Syempre ano pa nga ba ang essensce ng pagpunta namin dun edi magpicture:



simula sa taas itinuro sa amin ng aming tour guide kung saan kami pupunta.


sabi ko sa sarili ko, "juice colored" e kahit 30mins kaya naming lakarin ng back and fort ng kapatid ko yun ganun kalapit. Sobrang lapit lang pala at kaya pala 3 hours ang estimate nila ay dahil ang bagal nila maglakad kaya hinayaan na lang namin at nakisama na lang kami.
















Ilang sandali lang kami nag stay sa falls dahil dumidilim na rin at mukhang uulan na rin at pagod na rin kami, gusto na rin namin magpahinga kahit pano dahil wala pa kaming mga tulog na maayos lahat.









Second day (Kiltepan, Echo Valley, Hanging Coffins, St. Therese Church and last Caving)

As early as 5AM, gumising na kami para sa "sea of clouds" na pinupunatahan ng libo libong mga deboto este turista. Sa kabutihang palad walang "sea of clouds" na nagpakita sa amin ng mga araw na iyon kaya naman:









ang aga pa naman namin nagising kahit puyat kami noong gabi dahil shumat kami ng konte.
Pagbalik namin sa transient, pahinga konte at tumulak naman kami para sa Echo Valley, Hanging Coffins, St, Therese Church at anf pinaka "not anymore experience" na caving.























Third Day (Uwian na may side trip sa Highest point sa Benguet)






I've been to so many places is the Philippines but This is the most exciting, adventurous, tiring, scary, risky, crazy and maybe not anymore ADVENTURE I ever had. I Survived Sagada 2017
See You around.

Regards,
InMyEx