How to move on? Isalaysay mo kung ano ano mga ginawa mo pano ka nakamove on.
Bigla ko tuloy naisip, Oo nga no? Bakit nga hindi ko i-blog ang ginawa ko baka sakali (baka sakali lang naman) na may mapulot na aral ang mga makakabasa.
Maraming artikulo sa internet at video sa youtube ang pwede mong mapanood na nagpapayo kung pano ba ang mabisang paraan ng pagmomove on at sa maniwala kayo at sa hindi sa totoo lang pinagtyagaan ko talagang panoorin at basahin ang ilan sa mga iyon. Kahit pano nakatulong naman ito sa akin pero ito lang ang masasabi ko hwang nyong piliting yakapin ang paraan ng pagmomove on ng ibang tao dahil hindi ito totally applicable sa sitwasyon ng bawat isa. At the end of the day ikaw pa rin ang magdedesisyon at gagawa ng paraan kung paano ka makakamove on.
Pano nga ba ako nakamove on? 6 Rules.
Noong una hindi ko talaga alam kung paano ako magsisimula. Kung tutuusin hindi naman kami ganun katagal kasi 8 months lang kami pero ganun na kalaki ang damage sa akin ng mga nangyari kaya narealized ko, mahal na mahal ko pala talaga sya.
Sa totoo lang dapat ipaglalaban ko ang pagmamahal ko. Dapat nga pupunta ako ng Laoag City ng hindi nya alam para kausapin sya, magmakaawa na ayusin namin pero naisip ko: may iba na nga pala sya at hindi nya gugustuhing makita ako. Mas lalo lang akong masasaktan na makita sya hawak ang kamay ng iba. Hindi kaya sobra na iyon? Parang sobra na no? Kaya kinalimutan ko na lang ang plano na iyon at sa halip nagfocus na lang ako kung paano aayusin ang sarili ko.
Nang araw na nagbreak kami binlock ko agad sya sa lahat ng social media accounts ko pati sa cellphone ko. Ginawa ko yun hindi upang hindi nya ako makontak dahil alam kong hinding hindi nya gagawin yun sa halip ginawa ko yun para wala akong chance na makausap sya. Hindi ako makakapag stalk sa mga accounts nya at hindi ko maiisip na kontakin sya.
Bawat araw naiisip ko sya. Gustong gusto ko syang kausapin, tawagan, puntahan at kapag naiisip ko na wala na akong karapatang gawin iyon mas lalo kong nararamdaman ang bawat sakit.
Pinilit ko ang sarili ko na magalit sa kanya upang sa ganun kahit pano may dahilan ako para huwang na syang isipin. Iniisip ko palagi na may iba na sya, hindi na nya ako mahal, masaya na sya sa bago nya, masaya na sya sa buhay nya at hindi na ako kasali sa kaligayahan at buhay na iyon. Iba na ang prayoridad nya at tapos na ang mga araw na kasama ko sya. Hindi na sya babalik at wala na akong pwedeng gawin para bumalik sya.
Syempre hindi mawawala ang halos araw araw akong umiiyak. Gustong gusto ko sumigaw ng "Please tama na, ayoko na, hindi ko na kaya, sobrang sakit na" pero hindi pwede at ang pwede ko lang gawin ay magpakaplastic sa harap ng mga tao sa paligid ko. Kinailangan kong magmaskara sa harap nila lalo na sa pamilya ko para ipakita na malakas ako na kayang kaya ko ang mga problema pero sa totoo lang halos mamatay na ako sa sobrang sakit at sama ng loob. Sa loob ng halos isang buwan para akong tanga na halos lahat ng workloads ko hindi ko magawa ng tama. Tuwing gabi sa paguwi ko sa bahay wala pa ring ibang laman ang utak ko kundi sya. Iniisip ang bawat masasaya naming alala. Halos tuwing weekend pumupunta ako sa bahay nila Gizelle para lang madivert ko ang atensyon ko. Naginstall ako ulit ng WeChat para lang may magawa ako, para lang may makausap ako na ibang tao upang hindi mabakante ang utak ko ng sa ganun wala akong chance na maisip sya. Kinakausap ko kahit sino, kahit ang mga dati kong kaibigan na hindi ko gaano ka close. Tinawagan ko ang mga dati kong kasintahan at humgi ako ng tawad sa kanila para sa mga bagay na nagawa ko sa kanila noong kami pa. Nagulat nga iyong isa sa kanila sabi niya:
| Bumili kami sapatos ko sa SM Makati with Gizelle |
Nagpapasalamat na rin ako dahil napaka bait ng Diyos. Siguro nakita rin nya na sobra sobra na akong nasasaktan at litong lito kaya ayun binigyan nya ako ng malaking project sa trabaho ko na masasabi kong naging malaking part ng aking pagmomove on. Matagal tagal din ang panahon na ginugol ko sa proyekto ko at halos gabi gabi ay 12am na ako nakakauwi kaya 'paguwi ko nakakatulog na ako agad at hindi ko na naiisip si Jona hangang sa hindi ko namamalayan nasasanay na pala ko sa ganun buhay. Dahan-dahan, unti-unti, isa isa ay nagawa kong hugutin ang bawat arrow na nakatusok sa puso ko.
| Meet Up with my College Friends |
Nakakatuwa ano? Kung gaano kadaling pumasok sa isang relasyon ay ganun naman kahirap lumabas dito pero ang maganda doon may bagong aral tayong natututunan, may bagay tayong nadidiskubre sa sarili natin at higit sa lahat napapatunayan natin na walang hindi kayang gawin ang pagibig.
| Fely - My friend |
Nang matutunan kong tangapin ang lahat at patawarin ang sarili ko narealized ko na unti unti e napapatawad ko na rin si Jona. Nakita ko kung gaano kalaking damage sa akin ang nangyari pero nakita ko rin ang kagandahan ng buhay ko dahil binigyan ako Diyos ng panibagong pananaw sa buhay na naging sandata ko naman para sa wakas ay muling tumayo at magpatuloy sa paglalakbay.
Ang dami kong natutunan sa nangyari.
Natuto akong mahalin ang sarili ko bago ko mahalin ang ibang tao, dahil maibibigay mo lang ang tamang pagmamahal sa iba kapag kaya mong mahalin ang sarili mo.
| Joined my Accenture Team out of town |
Natuto rin akong magpatawad kahit doon sa pinaka madilim na bahagi ng buhay ko. Noong mga panahong walang lugar ang pagpapatawad sa puso ko natutunan kong magtiwala sa Diyos at sa kanyang napaka laking plano para sa akin at alam kong gusto ng Diyos na magpatawad ako dahil ito ang susi para mas mappreciate ko ang plano Nya.
Natuto rin akong mas pahalagahan pa ang mga tao sa paligid ko lalo ng ang pamilya ko. Totoo din talaga na at the end of the day your family will always be there no matter what at sila lang ang mga taong tatangap at patuloy na magmamahal sayo ng sobra kapag tinalikuran ka na ng lahat ng taong pinaglaanan mo ng oras, pagod at pagmamahal.
Natuto akong maging matatag, maging mas malakas ulit, maging better at dahil nga dyan ay pinaglaanan ko ng panahon ang sarili ko. Napansin ko rin ang laki na pala ng ipinayat ko kaya naman simulo noon ay ipinangako kong iimprove ko ang sarili ko. Ibinalik ko sa dati kong katawan ang sarili ko at nagsimulang ayusin ang bawat piraso ng sarili ko.
Sumisikat na ulet ang araw, nakikita ko na ang bagong umaga sa buhay ko, panibagong simula, panibagong pagkakataon, panibagong pananaw, bagong Rodel Mandia.
Sa pagmomove-on malaking factor dito ang panahon o time. Ito lang ang makakapagsabi kung kelan ka makakpag patawad, kung kailan mo matatangap ang lahat, kung kailan mo marerealize ang mga bagay na kailangan mong marealize para makapag patuloy ka sa paglalakad.
| My new Office Tropas Mark and Ymen |
Magmove on tayo pero huwag na huwag nating madaliin. Huwag din natin iasa sa ibang tao ang pagmomove on. Hindi katwiran na dapat magkaroon ka ng kasintahan agad para matulungan kang magmove on dahil nagiging unfair ito sa bago mong makikilala. Dapat kapag nagmahal ka wala kang ibang dahilan kundi mahal mo sya at ready ka nang magcommit ulet dahil wala namang kasalanan ang taong iyon sa nakaraan mo.
At lumipas ang isa, dalawa, tatlong buwan. Naisip ko pa nga ang sinabi ni Popoy ng Once More Chance:
Bash, di mo ba alam yung three-month break-up rule? Lahat ng taong na-inlove at nakipag-break ay alam yun. Bash, maghihintay ka muna, tatlong buwan. Di ba tatlong buwan bago ka makipag boyfriend ulit. Bash, may dalawang linggo pa ako eh, dalawang linggo pa. Lahat na ginawa ko. Ano pang gusto mong gawin ko? Bakit ba kating-kati kang palitan ako? Putang Ina naman Bash, ganyan ka ba katigas? Parang awa mo naman. Sumagot ka!
Nakakatuwa nga e kasi si Popoy may dalawang Linggo pa bago magtatlong buwan. Ako dalawang linggo palang ang nakakaraan may kapalit na. Lolz. Diba ang galing super related. hahaha.
But kidding aside napatawad ko si Jona, naging maayos na ulit ako. Nakamove on din ako. Siguro hindi pa sapat ang tatlong buwan para muli kong buksan ang puso ko kasi baka hindi pa ako ready ayaw ko namang maging unfair sa susunod na taong mamahalin ko. Ang mahalaga ngayon ay maayos na ako, wala na ang galit sa puso ko.
6 rules ko?
ACCEPTANCE
FORGIVENESS
LEARN to APPRECIATE things around you
LEARN FROM YOUR EXPERIENCE
LET GO and
MOVE ON
Sabi nga ni Jam (†) ng Jamich - don't rush things, after the break up, don't immediately look for the better next, just focus on the better you because the better you will attract the better next.
Sana ay may natutunan kayo at iyan sa palagay ko ang ginawa ko In My Experience.
-Rodel


