Wednesday, June 22, 2016

The Culture of Death an answer to Bro. Zin Noel Acedillo


One Facebook friend posted a queries in facebook with the following details.


We will try to answer all his questions line by line:

Mga Pari, Obispo ano po b ung cnsbi nyong culture of death? 
According to solemncharge.com

The Culture of Death is a very broad term, which describes evil behavior. It goes beyond the mere evil acts, however. In the deepest sense, it describes the attraction our culture has with sin, lust, and death. Our culture not only permits, but promotes abortion, euthanasia, murder, revenge, suicide (assisted or otherwise), war, capital punishment, contraception, human cloning, human sterilization, embryonic stem cell and fetal research, In Vitro Fertilization, homosexuality, promiscuity, infidelity, and divorce.

These proclivities lead to the destruction of life and its natural origins. They devalue human life, leading to an explosion of all types of sins. When we do not value human life, we do not value people. This leads us to sin by harming ourselves and others since we do not see the face of God in others. Here is what the Didache says about the “Way of Death”:

Ung pagpatay n nangyyari ngayon s mga kriminal? 
Hindi po ito tungkol sa pagpatay sa mga kriminal sa halip ito ay tungkol sa pagyakap ng mga tao sa paraan ng pagpatay upang bigyan ng hustisya ang mga biktima. Tinatawag ito na Kultura dahil tila baga ginagawa nating normal ang pagpatay na parang parte na ito ng ating lipunan na tulad ng pagtatrabaho, pagkain, paginom. Nawawala po ang tunay na kahulugan ng buhay.

Pano nman ung mga npatay ng mga kriminal, ung Mendiola massacare, Hacienda Luisita Massacare, Maguindanao Massacare, Kidapawan Massacare, at marami pang massacare na gang ngayon dp nabbigyan ng hustisya.

Nauunawaan po natin ang sintemyento ng mga tao tungkol sa mga namatay dulot ng mga kriminal pero ang buhay po ay hindi lang tungkol sa mga biktima ito ay tungkol din sa mga kriminal dahil sila ay may buhay din na pinaniniwalaang sagrado ng Simbahan simula ng sila ipanganak.(Cathechism of the Catholic Church No 2258).

Hindi po natin kinukunsinti ang mga kriminal subalit hindi po tayo naniniwala na magdudulot ng hustisya sa biktima ang kamatayan ng pumatay sa kanila sa halip pagsisimulan lang ito ng panibagong puot at paghihiganti. Ito rin po ang sinasabi ng ating mahal na Santo Papa sa kanyan speech sa 6th World Congress Against the Death Penalty noong June 21, 2016.

Ayon po sa ating Santo Papa:

No matter how serious the crime, to kill a convicted person is “an offense to the inviolability of life and to the dignity of the human person,” as well as a contradiction of God’s plan and “his merciful justice,”

"It does not render justice to victims, but instead fosters vengeance. The commandment ‘Thou shalt not kill’ has absolute value and applies both to the innocent and to the guilty,”

-Pope Francis

Bkit ngayn lng kayo nagbigay ng Oratio Imperata? Bkit pinpoint nyo pa ang gov't officials? Bakit ngayon lng???? 

Hindi po totoo na ngayon lang nagissue o nagbigay ng Oratio Imperata ang Simbahan tungkol sa mga Pulitiko. Ang totoo, hindi lang sa mga pulitiko nagbibigay ng panalangin ang simbahan. Kung tayo po ay madalas nagsisimba ay mapapansin natin na sa tuwing may gaganaping events sa ating bansa tulad ng Election (Local and National), Change of Administration, World Youth Day, Pagbisita ng Sto. Papa sa Pilipinas,   ay nagkakaroon ng isang maikling panalangin tuwing misa kadalasang ginagawa ito sa bahagi ng misa na tinatawag na Prayer of the Faithful o Panalangin ng bayan.

Sa aking palagay hindi naman po masama na ipanalangin ang mga nasa gobyerno lalo na ng Simbahan. Ang totoo ipinagutos pa ng Panginoong Jesus na ipanalangin ang kapwa mo (James 5:16) maging ang iyong kaaway at umuusig sayo (Mt 5:44).

Paano nman ang Culture of Corruptions & scandals s Roman Catholic? Nagtatanong lng po.

Tungkol naman sa Corruptions at Scandal sa simbahan -  ito po ay mariing nilalabanan ng Simbahan dahilan para magtatag ng isang departamento na mangangalaga sa ganitong kaso tulad ng The Pontifical Commission for the Protection of Minors.

Ang totoo, marami na pong naparusahan at marami pa din ang nakapending na kaso bunga nga kakulangan ng ibedensya. Hindi naman po pwede parusahan natin ang isang tao dahil lang may kaso sya dapat lang na sya ang litisin upang mapatunayan na totoo ang ibinibintang sa kanya tulad ng sa normal na korte.


Sana po ay nasagot ang tanong nyo. Salamat.