Sinadyang tagalogin upang hindi nakakahiya kapag mali ang grammar (Engr. po ako hindi English Teacher. charot!)
Sa ating mga kapatid na sa kasalukuyan ay nagsisimula ng ANIHIN ang binhi ng mga TAGUMPAY na ITINANIM sa atin ng ating MAHAL na PAARALAN ang OUR LADY of the MOST HOLY ROSARY ACADEMY na matatagpuan sa ating SINILANGANG Brgy. LOYAL VICTORIA ORIENTAL MINDORO.
(ang haba ng aking pagbati parang graduation speech lang, pasensya na)
Matatandaan po natin na netong nakaraang taon bago sumapit ang PASKO ay nasaksihan at naranasan natin ang isa sa mga PINAKA masasakit na DAGOK ng PAGSUBOK sa ating PROBINSYA. Nakita natin kung paano hinagupit ng BAGYONG NONA (tama ba? ginoogle ko lang yang name) ang buong ORIENTAL MINDORO at hindi PINALIGTAS ang ating BRGY na LUMIMAS sa PANGUNAHING HANAP BUHAY ng ating mga PAMILYA na kasalukuyang NANINIRAHAN doon.
Hindi natin maitatangi ang napaka laking EPEKTO nito sa ating lahat at maging hangang sa KASALUKUYAN ay HINDI pa rin tayo tuluyang NAKAKAAHON sa PAGSUBOK na ito.
Kasama sa mga NASALANTA ng naturang BAGYO ay ang mga BAHAY na patuloy pa ring IGINAGAPANG ng ating mga KAPATID upang MAPANUMBALIK sa DATI nitong SIGLA.
at dahil ang ating MAHAL na PAARALAN ay isa ring URI ng INPRASTRAKTURA, ito ay HINDI rin PINALIGTAS ng BAGYO. NAWASAK po ang ATING PINAKA MAGANDANG BULWAGAN na mas TANYAG sa BANSAG na "COW-COWAN".
Napaka HALAGA po ng bulwagang iyan sa ATING paaralan dahil dito GINAGANAP ang lahat ng PROGRAMANG may KINALAMAN sa PAGAARAL ng ating mga KAPATID na KASALUKUYAN ay UMAASA at NAGTITIWALANG MAKAKAMIT din ang KANILANG TAGUMPAY balang ARAW sa PAMAMAGITAN ng ating PAARALAN.
at dahil nga po diyan ay KUMAKATOK po ang ATING PAARALAN sa ating mga PUSO lalo na sa mga ALUMNI at NAKIKIUSAP po na TULUNGAN sila na MAIPASAAYOS muli ang NASIRANG BULWAGAN na ito sa lalong madaling PANAHON sapagkat NALALAPIT na po ang PAGTATAPOS ng mga nasa Ika APAT na TAON ng PAGAARAL sa ating AKADEMYA.
Alam po natin na HINDI MAAARING lumagpas sa MAHAL na ARAW ang PAGTATAPOS doon sapagkat KAILANGAN pang UMUWI sa KANILANG LUGAR ang ating mga BUTIHING MADRE.
Naniniwala po ang INYONG Lingkod na sa PAGDADAMAYAN ay MAIIAHON natin muli ang ating HINAHANGAAN at PINAKAMAMAHAL na PAARALAN.
Hwag po sana nating PAGDAMUTAN ang PAARALAN na naging ISANG MALAKING BATONG PUNDASYON na ating TINUNGTUNGAN upang sa HULI ay MAABOT natin ang ating mga PANGARAP.
Ano mang HALAGA na MAIPAGPAPASYA ng INYONG PUSO ay MALUGOD nating TATANGAPIN at PASASALAMATAN. ASAHAn po ninyo na KASAMA kayo palage sa aming mga PANALANIN.
Muli ay MARAMING MARAMING salamat sa Inyo at Nawa ay lalo pa kayong PAGPALAIN at INGATAN ng ating Diyos sa ARAW ARAW sa PANGALAN ni Hesus. Amen.
-OLMHRA
Para Po sa inyong mga DONASYON, mangyari po lamang na I deposite ito sa OLMHRA bank account na makikita sa inyong TV Screen Joke . sa larawan sa ibaba:
Maraming Salamat.
